CH36

277 13 5
                                    

A/N: Sorry, nagkatrangkaso si otter kaya delayed. Sa pangatlong araw na nakabangon nang sabihin ng inang reyna na magshopping kami. Lumakas enerhiya ko. Char. hahaha! 

____________________________ 

Alice


Nasigawan man at napagalitan, matigas talaga ang ulo ko at pinapayagan pa rin. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Kiel sa kuya ko at napapayang niyang makapag-overnight ako ng tatlong araw kada linggo sa bahay niya. Gabi pa lang ng huling araw ng trabaho niya, sinundo niya na ako sa bahay pero nagkaroon ng emergency sa trabaho bandang hapon kinabukasan and he had to attend to that.

"Pwede mahiram kotse mo? Friends night out." Na-push ang pagkikita ng apat na araw bago matuloy ngayon ang pagkikita namin nina Benj at Elaine.

"May lisensya ka na ba dito?"

"Wala pa."

"Take Ferds with you, let him drive. There's a key in the medicine box. Susi 'yon ng office ko dyan sa bahay. You'll find the car keys there."

"Thank you, I love you."

"Okay, bye." That's when I know na may kasama siyang ibang tao. It's hard for him to say I love you in front of the staff, so keri lang.

Time to find the car keys!

Nakuha ko ang susi sa medicine box pero kailangan ko pa magpakaninja dahil nasa ibabaw ng cabinet sa kwarto? Hindi man lang niya sinabi? Wala namang hagdan dito. Buti matibay cabinets niya, kaya ang bigat ko.

Pagpasok sa office niya na nasa tapat ng pantry, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kasi wala akong nakita, madilim. Hahaha! Walang switch ng ilaw sa gilid ng pinto so flashlight from the phone it is.

Pagtapat ko sa pintuan, the light bounced back to me, blinding, pero alam kong glass cabinet ito. Naghahanap ako ng kahit anong switch sa dingding pero waley kaya naglakad ako ng pakapa at nakahanap ng desk na may lampshade. Nang buksan, sapat ito para magbigay liwanag sa lugar. Ikea desk at swiveling chair ang nandito at sa ibabaw nito computer niya na may tatlong malalaking monitors. May Macbook sa gilid, ballpens, at maliit na notebook. Nilingon ko ang glass cabinet na unang nakita at nagulat sa nakita.

So, this is where Vincent lives.

Iba't ibang klase at laki ng baril ang nandito, pati na rin kutsilyo; full display at easy to access. Kaya pala sabi niya welcome ang magnanakaw dito, may pasalubong pala siya.

Pew, pew, ah, tegi. Ganern.

Nasa tabi nito ang dalawang keyfob na nakasabit, sa labas ng cabinet. BMW na pinangsundo niya sa'kin or Ferrari na hindi ko pa nakikita? Syempre doon tayo sa bago sa paningin!



Nag-request ako kina Elaine at Benj na sa isang chinese restaurant dito sa Binondo. Ibang-iba talaga ang pagkain dito sa Pinas kahit na pareho ng putahe kainin ko sa London, nasa tubig na yata ang diperensya.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa nang huminto ang kotse na sinasakyan ko sa tapat nila. I was tossing my hair back and forth at kumakaway-kaway pa nang umangat ang bubong ng kotse at it flipped into the back. Nagwala pa ang mga ito at nagtatawanan habang nagtutulakan habang damang-dama ko ang pagsakay dito sa red convertible.

"Nandito na ang gold digger nyong friend! Libre ko na kayo!"

Itinaas ng dalawa ang mga kamay at yumuko sa'kin ng paulit-ulit. "Paraanin ang ating Patron Saint of Golden Standards."

"Literal na gold."

"Kapag ba naupo kami dyan, may lalabas na pera sa bulsa namin?" tanong ni Benj.

"Depende, kapag may jowa ka."

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon