CH32

201 11 4
                                    

Alice


Bakit ko ba 'to ginawa sa sarili ko? Bakit ko na lang siya binalikan pag-uwi ko? Bakit ko ba pinapahirapan sarili namin? Hay.

My flat felt empty without him and the eight-hour time difference between Manila and London didn't do anything good to us. Madalas, kung hindi ako ang makakatulog sa video calls namin, siya.

Sa totoo lang, hindi ko akalaing ganito ka-busy si Kiel. Akala ko office lang ang inaatupag niya pero nagkamali ako. Aside sa trabaho sa opisina, he owned a number of apartment buildings and rental condo units around Makati and BGC Taguig, slowly delving into real estate. At bukod sa stock trading, he's currently setting up resorts near the beach and mountains all over the Philippines. He recently bought an island in Quezon Province at under construction ang high-end resort na pinapagawa niya sa Palawan. Hindi ko alam kung anong trip niya. No wonder hindi ito pinapayagan ng mga magulang na magtrabaho full time.


"Paano mo nagagawa lahat ng ito? Paano nagkakasya ang bente kwarto oras sa'yo?"

"Time management. And I had people handling most stuff. Kaya nga sabi ko sayo bigyan mo ako ng oras mag-adjust. I'm moving almost everything in my schedule now." Kiel had this schedule for years now and was having a hard time adjusting na binigyan niya ako ng pasintabi. Naintindihan ko, biglaan akong dumating sa buhay niya kaya sapat lang ang dalawang linggo hanggang sa isang buwan na adjustment.

"Saan mo nakuha lahat ng perang ito? Inheritance?"

"Nope, it was hardly mentioned in those years that I was with them. All of this was my money. Invested half of it to ZGC and here's the other half na pinapaikot ko."

"This is just half of it?"

Tumawa ito. "Ano bang akala mo sa dati kong trabaho? Hindi ako binabayaran? Aren't you curious as to how your brother easily set up a company and branched it out here sa Pinas?"

Oo nga no? Hindi ko naisip 'yon. "This is too much money for a single person."

"It's not for the money, Alice. It's the thrill of getting everything that I wanted."


Three to four times a week lang kaming nag-uusap sa first month namin. Minsan hindi pa umaabot ng dalawang oras. But he would send me voice memos all the time. Kinukwento niya kung anong ginagawa niya, kung saan siya pupunta, at kung gaano niya ako namimiss. Ako na ang star ng buhay niya, taray. Gustong-gusto ko pakinggan ang mga ito pagkagigising at nakahiga pa sa kama. Iniimagine kong nandito siya sa tabi ko habang mahigpit na yakap ang unan ko.

Hindi nagtagal at naging six times a week na ang pag-uusap namin. Kadalasan, sabay pa nga kaming kumakain at natutulog. Nakakanood pa nga kami ng movie at nakakakapagkwentuhan. I discovered his love for mountains and hiking, sumali pa siya sa isang grupo ng mga hikers and would go out with them every few months. Inaya niya pa ako at tumawa sa sagot ko:


"Never in my life na pinangarap kong maglakad ng ganoon kahaba, let alone an upward climb. Kaya mo na 'yan, matanda ka na."

"Hindi ka pa rin tumatakbo hanggang ngayon?"

"Kailangan ko pa rin bang tumakbo kapag kasama kita?"

"Hindi naman."

"Ayun pala eh. Walang pakialamanan, kanya-kanyang trip 'yan."


Kaya gigil talaga ako sa pagkamiss ko sa kanya nang matapos ang tatlong buwan, walang tulog-tulog, diretso agad airport. Umalis ako alas-diyes ng umaga, dumating ako dito alas kwatro ng hapon the next day. Hindi ako ang tipo ng tao na tumatayo sa aisle ng eroplano bago pa man buksan ang pinto nito, pero ngayon makikipagbardagulan ako with kindness. Bwisit na bwisit ako doon sa baggage carousel, ang bagal iluwa ang mga bag ko.

Viper II: Your UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon