A/N: Hi! MIA ako, I know. Hahaha! I'll change the contents of Viper2 from CH10 to the current, as well as may madadagdag na chapters doon. Maglalagay na lang ako ng Author's Note sa mga chapter na nabago para may heads up din. And the title for Viper 2 will be changed from Mon Bonheur to Other Universe. Oo na, ako na pabago-bago ng isip. Sorry na. Hahahaha! I'll start the change asap, maybe today. Thank you!_______________________
Alice
Sinundo ako ni Brix kinabukasan, humihingi ng tawad, at lalo ako kinain ng guilt. "Kukuha na tayo ng ibang wedding planner kaya okay na ako. Hindi mo na kailangan magsorry."
Mas nakakadagdag sa bigat ng dibdib itong pagiging ipokrita ko.
Tinanong ko sa kanya kung saan kami pupunta at sinagot niya ako nang nasa kotse na kami. "I'm going to pick up something at Hermes. It will be quick."
Sa tagal namin, limang beses lang kaming nagshopping ng magkasama. Not gonna lie, bigtimes na din tayo. A little Gucci and Dior here, a dash of Louis Vuitton and Chanel there, but that's about it. Hindi na keri ng wallet ko ng more. Majority pa rin ng gamit ko galing sa ukay, mapa-luxury bag man o hindi. Syempre ang sarap sa feeling na bumili ng luxury goods pero ayokong ubusin ang life savings ko para sa isang bag. Hindi ko kayang bumili ng gamit worth na pambayad na ng tuition ng isang semester. Kapag 100 million na ang life saving ko, may bahay, at lupa, baka pag-isipan ko. At ang mga binili kong brand new? Ginagamit ko 'yon kapag may pinupuntahan kami ni Brix na mga party ng friends and family niya.
Okay siyang kasama sa pag-iikot pero may habit siyang bayaran lahat ng hawakan ko. Nakakaloka. Walang masama sa regalo pero kung may bibilhin siyang luxury goods every time na lalabas kami, which is almost every week, parang ang bigat? Tapos nang tanungin ko siya kung bakit, responsibilidad daw niyang pasayahin ako. Muntik nang may lumabas na question mark sa ibabaw ng ulo ko. Kasi hindi ko kailangan ng regalo para sumaya sa piling niya. Para sa'kin, masaya na akong bumibisita siya rito sa pilipinas every two weeks to spend the day with me. Plane tickets pa lang mahal na, sasamahan niya pa ng Chanel?
Ang bigat. Ang hirap ibalik ng love language niya. Kaya huminto na ako sa pag-aya sa kanya kapag namimili. Instead, ang mga kaibigan ko na ang tinatawag ko kapag trip ko mag-window shopping.
Nang makarating kami sa store, binati agad siya ng attendant doon. "Brix! How are you?"
Ngumiti siya dito, "Good, Editha. How about you?"
Wow, first name basis. Parang kapitbahay lang.
"Never been this better." Sagot sa kanya ng attendant.
"Can I pick it up now?"
"Nandito na, saglit lang. Kukunin ko."
"Salamat." 'yon at umalis na ang kausap ni Brix.
Hinila ko ng kaunti ang laylayan ng button down niya kaya inilapit ng kasama ko ang tainga niya sa'kin. "Kilala mo sila?"
"Editha was my sister's S.A."
"S.A.?"
"Sales Assistant. Look around, you might see something that suits your taste."
If I ever did, I don't think bibilhin ko siya. Nag-usap na kami ng wallet ko, it's not meant to be.
Umikot sa dining area at complete set ng utensils, parang hindi pwedeng kainan sa sobrang ganda. May throw pillow pa na naka-display, cream at beige ang color combination nito at may H sa harap. Dinampot ko ito at sobrang lambot. Hinanda ko ang sarili sa pagtingin sa presyo at nalula pa rin ako: 58,000 pesos.
Para sa isang unan.
Dahan-dahan kong binaba ito, baka mabasag. Lumipat ako sa lugar na kung saan pwede akong humawak; sa shoes. Tinignan ko ang mga tsinelas at sapatos para sa presyo nito: Bastille, 54,000. Royal, 63,000. Alma, 66,000. Amares, 60,000.