Alexander Kiel
"Kiel?" Nakarinig ng tatlong katok sa pinto ng kwarto ko. Minsan talaga ayokong nandito sa bahay ang asawa ng kuya ko, masyadong maingay. "Papasok na ako!"
Wala akong choice.
Hinintay ko siya hanggang sa maramdaman kong umupo si Janice sa armrest ng kinauupuan kong tufted deep emerald green accent chair sa tapat ng kama ko. "Pupunta sana kami ng kuya mo sa London para manood ng Hamilton kaso na-cancel dahil sa trabaho niya."
Saglit kong sinulyapan ang nilapag nitong dalawang ticket para sa nasabing musical. "Kailan ka pa nahilig sa musical?"
"Wala akong sinabi na mahilig ako doon, ang sasabihin ko lang sana eh ikaw na lang pumunta."
"Anong kinalaman ko dyan?"
"Dali na, binibigyan kita ng dahilan para mag-file ng two-week vacation leave."
"Ayoko." Bumalik ang tingin ko sa librong binabasa.
"Magpahinga ka, tatlong taon ka nang nagtatrabaho ng walang leave. Maawa ka sa katawan mo."
"Sanay akong magtrabaho ng walang pahinga."
"Ay, taray. Ang lalaking walang pahinga," Tinapik pa niya ng braso ko, naalog tuloy ang librong binabasa ko kaya tinigil ko ito at tumingin sa nagsasalita. "Nag-aalala na ang mommy mo sa'yo. Two weeks every year dapat ginagawa ang leave, hindi every three years."
"'Yan, dyan ka magaling. Sa emotional blackmail."
"Nakokonsensya ka kasi tama ang sinasabi ko sa'yo." I rolled my eyes at her response. "May one month ka pa para mag-ayos ng schedule mo. Sumbong kita sa mommy mo kapag hindi ka pumunta."
"Wow, pinagpaalam mo na ako?" Pang-aasar ko sa kanya.
"Opo, wala ka nang iisipin."
"Points to Janice na 'yan?"
"Ang pinakamabait na manugang."
Muntik pa akong masamid sa sarili kong laway. "Paano ikaw lang manugang."
"Kasalanan ko pa? Ako pa?"
Bumalik pa sa'kin ang sinabi ko. "Lumayas ka na nga dito."
"Bahala ka na dyan ha?" Yun lang, saka siya umalis ng kwarto ko.
And the ticket was never brought up again. It just laid there for two weeks, sa ibabaw ng coffee table dito sa kwarto ko.
The truth is, I tried having a three-day vacation once but I came back after two days. I became anxious and paranoid that I can't sleep in my hotel room. My therapist said that I was used to being in chaos and that silence and peace alarmed me. That part of me was rewired after I left the healthcare industry, pursuing a career now in port and terminal management in the company that dad owned.
It also was suggested that I travel with my family, though I've never brought it up to them. Alam kong willing silang isama ako sa mga bakasyon pero ayoko silang istorbohin. My brother and cousins have kids at minsan lang din sila makatakas sa trabaho. Minsan lang din sila makatakas sa mga anak nila. But they always make sure everyone is always present every Christmas and New Years.
After that two weeks, I called an old friend to see what she's up to. Surprisingly, she never changed her number after all these years.
☙☀♚☀❧
Arriving at Heathrow Airport was a mess. Denise, who was crying ugly tears, ran to me with all her might and hugged me tight. "Hindi ka pumunta sa kasal ko!"