Chapter 4
Rest
"Joy, ba't parang namumutla ka?"
Iniwas ko kaagad 'yong mukha ko para hindi ko makita na nag-aalala si Donita. Ang bilis pa naman nitong makahalata. Nagkasalubong kasi kami nitong si Donita 'tapos nag-usap saglit. Hindi ko naman inaasahan na mahahalata niya kaagad 'yong mukha ko. Gano'n na ba 'ko kaputla?
Tumingin na 'ko ulit sa kaniya. "Hindi, ah."
Pero mukhang hindi rin siya na-convince. 'Di bale na. Hindi na lang ako magpapahalata. Ma-o-obvious na ako.
Tinapik ko na lang siya. "Ikaw naman! Relax. Okay lang talaga ako." Ngumisi ako.
Tumango naman siya kahit na nando'n pa rin 'yong kunot sa noo niya.
"Tara, 'kain na tayo sa canteen---"
"Naku, sorry!" pinigil ko kaagad 'yong pag-alok niya. "Kailangan ko kasing umuwi nang maaga. May gagawin ako sa bahay."
Sorry talaga, Donita...
Nakonsensya pa ako lalo dahil ang lungkot no'ng mukha niya. "Gano'n? Wala ka na bang klase mamaya?"
Tinanguan ko siya 'tapos kinindatan din. "Wala na. Wala 'yung prof namin sa World Literature. Siya, ba-bye na."
Naging araw-araw na gawain ko na 'yun. Sa weekdays, gumagawa ako ng assignments at projects ng mga kaklase ko maging ng mga ka-schoolmates ko sa ibang course. Sa weekends naman, lagi naman akong nasa salon at ginagawa ko 'yung trabaho ko bilang part-time manicurist, pedicurist, at siyempre assistant ng make-up artist.
Minsan nga, 'di ko na halos maramdaman 'yong katawan ko. Sa dami ng ginagawa ko na halos dyina-juggle ko na lahat – pag-aaral 'tapos trabaho, pagiging ate pa sa mga kapatid ko. Minsan, iniisip ko, nakakahinga pa ba 'ko? Para na kasi akong lumulutang. Ramdam na ramdam ko 'yung pagod at gutom tuwing natutulog ako pero siyempre hindi ko naman puwedeng sabihin 'yon.
Gusto ko na minsang sumuko at huminto sa mga ginagawa ko pero kapag nakikita ko 'yung mga kapatid ko na nagpupursige sa buhay para makatulong, naiisip ko na hindi pa pala puwedeng sumuko. Kailangan ko pang lumaban. Para sa kanila; para sa kinabukasan nila. Namin.
Ang tamis ng ngiti ko habang naglalakad palayo sa apartment. Pupuntahan ko na kasi si Aling Becky at mababayaran ko na 'yun sa renta!
Seryoso!
Kakasahod ko lang kasi kahapon sa salon at sumakto na siya sa pambayad ko sa upa! Ang laki no'ng ngiti ko kasi may pambayad na 'ko! Proproblemahin ko na lang 'yong sa bayarin no'ng dalawang bata.
No'ng nakita niya 'ko, inasahan ko nang liliwanag 'yong mukha niya kasi may dala akong pera.
Ang giliw niya rin akong sinalubong. Ang lakas talaga nitong makaamoy kapag may pera 'yong mga pinapauhan niya ng apartment niya.
"Naku, Joy, maaga pa, ah?"
Ang sarap namang ngisihan ng isang 'to. Ganito lang 'to kapag may magbabayad sa kaniya. Tingnan lang natin kapag na-delay na ako. Mag-iiba ang timpla ng mukha nitong maraming wrinkles sa mukha.
Binigyan ko nga siya ng isang pekeng ngiti. "Naku, dinaanan ko lang po ito. Bayad po namin sa renta para po sa buwan na 'to."
Kumislap lalo 'yong mga mata niya no'ng makita na 'yong pera na hawak ko. Mga tao nga namang uhaw sa pera...
Agad-agad, kinuha na 'yong pera ko. Ang excited.
Ang lapad pa ng ngiti. "Naku, Joy, salamat, huh? Iba na talaga 'yong nagagawa kapag 'yong tatay, eh, foreigner, ano?"
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...