Chapter 26

396 11 2
                                    

Chapter 26

Cut

Hangang-hanga ako sa sarili ko, sa totoo lang. Nagawa kong pakisamahan si Glenda nang buong linggo na 'to nang matino, pero ang lamig ng pakikitungo ko sa kaniya. Ito kasing si Glenda, ayaw niyang 'di siya pinapansin. Gusto niyang maging center of attention sa lahat ng tao lalo na kapag meron siya. Kagaya kanina, kinausap niya yata lahat ng amiga niya para ipamalita na may nabingwit 'yong panganay niya na lalakeng may pera.

Lumabas din naman ako pagkatapos namin kumain at makapaghugas ako ng plato. Do'n ako pumunta sa likod-bahay. May mini-garden kasi ro'n.

Napasinghap ako pagkatingala ko. Ang daming bituin sa langit! Pakiramdam ko, tanaw ko sila sa pagkumpas ko ng kamay ko sa langit. Ang sarap ding pakinggan ng huni ng mga kulisap kapag gabi. Ang payapa. Ang sarap sa pakiramdam nang ganito. Puwede ko bang hilingin na ganito na lang? Na walang problema? Na maging masaya naman ako para sa sarili ko? Bakit kasi ang hirap maging masaya?

No'ng naalala ko na naman 'yong nangyari no'ng isang araw, nag-iinit 'yong sulok ng mga mata ko. Wala namang kaso talaga sa 'kin 'yong bag. Kung gusto niya, sa kaniya na. Total naman, nanay ko siya. Hindi ko 'yun ipapagdamot. Ang akin lang, ingat na ingat ko 'yon dahil bigay 'yon ni Raven. Pera ni Raven 'yon na intensyon niyang binigay sa 'kin. Parang siya pa 'yong pinagbigyan.

Lalong 'di ko nagustuhan kung paano niya itrato na parang bagay lang si Raven sa kaniya. Na ngayong nalaman niya na malaki 'yong pakinabang niya ro'n, kailangan, 'di ko siya ipagdamot? Sino ba'ng may sabi na pinagdadamot ko si Raven?

Napasulyap ako sa phone ko. Kanina pa nagte-text si Raven kung puwede raw tumawag. Ngayon lang ako naka-reply nang oo.

"Hello." Huminga pa ako nang malalim dahil pagaralgal 'yong boses ko. Sana lang, 'di niya mapansin. "Ano'ng ginagawa mo?"

"I'm cooking your favorite."

"Bakit?"

"Because... I miss you."

Nakagat ko 'yong labi ko sa pagbuntong niya ng hininga. Nakaka-frustrate naman 'to. Hindi naman kami LDR pero pakiramdam ko, nasa gano'n kaming stage dahil sa mga kailangan naming gawin sa buhay.

"Magkikita pa naman tayo, ah."

"I know... it's just... I get used with your presence. Walang maingay sa bahay."

Napasimangot ako kahit hindi niya nakikita. "Ang sama mo. 'Di naman ako gano'n kaingay, ah?" Siya naman, tumawa na sa kabilang linya. "Sa Linggo na pala 'yong shoot namin. Sorry, hindi talaga kita masamahan."

"I understand. Just do all your best during your shoot."

"Naman."

"How's the kids?"

Tahimik lang na nakikinig si Raven habang kinukuwento ko sa kaniya 'yong ginagawa ng mga bata dahil bakasyon na nila. No'ng nalaman niya na tuloy pa rin 'yong business no'ng dalawa, natawa na lang siya. Pero hanga raw siya sa kasipagan ng mga kapatid ko kasi kahit bakasyon, ginagawa nilang fruitful and productive 'yong mga sarili nila.

"Your mom?"

Wala kaagad akong nasabi sa kaniya no'ng nagtanong siya kay mama. Sa nangyari sa 'min no'ng isang araw, pakiramdam ko, nakakahiyang sabihin sa kaniya. 'Tapos, naalala ko pa na regalo niya 'yon sa 'kin. Mas lalong nakakahiyang magkuwento.

"Joaquin Ysabella?"

Napapunas ako sa pisngi ko. Wala akong kamalay-malay, kusang tumulo na 'yong luha ko. "Huwag na muna natin siyang pag-usapan, please?" Nakakainis. Humihikbi pa ako. "Wala lang ako sa mood para pag-usapan siya."

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon