Chapter 19

339 16 2
                                    


Chapter 19

Real

"Mahirap ba 'yung exam n'yo?"

Nilingon ko si Raven na abala naman sa paghihiwa ng mga rekados. Magluluto raw siya ng munggo. Dumaan pala siya kanina ng supermarket para lang makabili ng mga rekados. This time, balak niya raw na mag-experiment ng panghalo para ro'n. Paborito ko raw kasi. Eh, gusto niyang magkaroon siya ng pabago-bagong putahe para hindi raw ako magsawa... boring na yata siya sa buhay niya kaya kung ano-ano na 'yung iniisip niya. Hinayaan ko na lang din dahil baka luto na 'yung utak niya sa mga inaaral niya.

Umiling kaagad ako. Ako na 'yung nagligpit no'ng mga kalat niya sa living room---hindi naman kalat. Puro law books niya lang 'yon at mga lectures niya na nakabukas. Mas dumami rin 'yong naka-post na Manila Paper na puno ng kung ano-ano'ng artilcles ng batas. 'Buti, wala akong hang-over. Natutulungan ko siya.

"Okay lang naman. May mahirap na items pero keri lang."

"'Di ka na nila ginulo?"

Alam ko 'yung tinutukoy niya kaya umiling ulit ako. Ayaw pa niyang maniwala, pero totoo naman talaga. Ramdam ko pa rin naman na ayaw no'ng mga kaklase ko sa akin, pero kailangan bang ako 'yung mag-adjust na naman para sa kanila? Tumigil sila. Wala akong panahon para isipin pa 'yong gusto nilang mangyari sa buhay ko.

Siyempre, hindi ako magpapadaig sa kanila. Hindi ko hahayaan na mapabagsak nila 'ko. Kahit na humanap pa sila ng butas para sirain ako.

Lumapit na ako kay Raven na mukhang patapos na sa niluluto niya. Mukha pa ngang enjoy na enjoy siya.

"You serious? Because I'm gonna talk with the dean tomorrow. I'd like to also talk to---"

"Huy!" nanlaki na 'yong mga mata ko, natatawa na sa mga sinasabi niya. "Wala na nga."

Tinawanan ko ulit siya no'ng may alinlangan pa rin sa mukha niya. "Alam mo, ano man ang gawin nila, wala pa rin naman magbabago, eh. Kahit na may gawin ako, hindi ko na mababago 'yong tingin nila. Raven, sabi ko nga sa 'yo, hindi maganda 'yong background ng family ko. Iba-iba kami ng ama. Akala ng lahat, lalaki akong pariwara. Pero alam mo 'yun? Hindi ko naman kailangan i-please lahat, eh. Hindi ko kailangan na maghanap ng validation sa ibang taong sarado naman 'yong mga isip nila sa 'kin.

"Might as well, paghirapan ko 'yong sarili kong mag-improve. 'Yon naman 'yong importante, 'di ba? Gagapang ako para maabot ng mga kapatid ko 'yung gusto nila." Huminga ako nang malalim dahil sa paninikip ng dibdib ko. "Gusto kong dumating 'yong araw na proud ako sa sarili ko dahil wala akong dinipendahan kundi 'yong sarili ko. Gusto ko na makita na naabot ko 'yong pangarap naming magkakapatid dahil sa pagsusumikap naming lahat. Mas importante pa 'yun sa 'kin."

Ang tagal din akong titigan ni Raven bago siya tumango. "I'm sure your siblings' gonna be proud of you someday." Napaawang 'yong labi ko. "They're lucky to have you as their elder sister."

Naghanda na kami ng makakain namin. At ang sarap magluto na ngayon ni Raven. Nag-i-improve na nga siya! Siguro, stress reliever na niya 'tong pagluluto dahil sa dami ng inaaral niya, kaya kahit na mag-ge-gain ako nito ng weight, sige lang. Pagbigyan si sir.

"It's already 1:00 AM." Nanlaki kaagad 'yong mga mata ko.

Pota, hindi ko na namalayan 'yong oras!

"Do you wanna go home?"

Hindi na ako mapakali. Naglakad na ako paroo't-parito. Pota, matutulog na naman ako rito sa bahay ni Raven. Kaya kami natsi-chismis, eh!

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon