Chapter 15

420 16 0
                                    

Chapter 15

Supporter

Me:

Tuloy tayo, sir, ha?

Raven V:

Yes, tuloy tayo.

Hindi ko alam kung ga'no kalawak 'tong ngiti ko. Para na nga yata 'kong tanga rito kasi hindi na 'ko naka-focus do'n sa practice para sa susunod naming project, eh.

Ayaw kasing mabura 'yong ngiti sa labi ko kahit tapos naman na 'yong Fashion Week. 'Yong sinabi kasi ni Raven, parang kahit na mag-iisang linggo na natapos 'yong event, dinig ko pa rin sa tainga ko.

Ang sarap lang sa feeling... iyong makarinig ka ng gano'ng klaseng compliment sa ibang tao... iyong may nakaka-appreciate ng success mo... ng hardships mo... parang ang sarap pang magpatuloy sa laban.

Sa tana ng buhay ko, maliban sa mga kapatid ko at siyempre, sa ilang kaibigan ko na rin, hindi pa 'ko nakakarinig na natutuwa sila sa pinaghihirapan ko. Nakadikit na sa 'kin 'yong idea na anak ako ni Glenda... na lalaki akong pariwara katulad niya... na lalaki akong walang kinabukasan, walang patutunguhan, at walang maipagmamalaki.

Kaya ako nag-aaral nang mabuti at nagtratrabaho nang sabay dahil gusto kong makuha 'yong achievements na wala 'kong tinatapakang mga tao. Gusto kong magtagumpay dahil gusto kong ipamukha sa mga taong nananapak sa 'ming magkakapatid na kaya naming mabuhay na hindi umaasa sa anino ni Glenda. Na lahat nang 'to, kami 'yong naghirap; kami 'yong gumapang.

No'ng narinig ko kay Raven 'yon, mas gusto ko pang galingan. Gusto kong makita na nando'n siya sa crowd, hinahanap ng mga mata ko 'yung ngiti niya habang pinagmamasdan 'yong lakad ko 'tapos naka-thumbs-up pa siya sa 'kin. I-te-treasure ko 'yun. Wala na 'kong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Iyong may iilan nang proud sa 'kin, okay na 'ko ro'n.

"You're smiling like an idiot, babe."

Nilingon ko si Nancy na mukha rin namang kanina pa 'ko pinapanood. Parehas kaming nagpapahinga rito at nakaupo sa tiles. Uminom na siya ro'n sa bottled water na pinapamigay ng staff.

Umiling ako sa kaniya.

"Was it because of that man waiting at you during the Fashion Week?"

"You saw him?" nanlaki kaagad 'yong mga mata ko!

Napakunot na 'ko no'ng tinatawanan ako ni Nancy. Wala kayang nakakatawa.

"You look so cute when blushing." Napahawak naman ako nang mabilis sa pisngi ko. "Yeah, I saw him. Actually, I saw him a lot of times because he's waiting for you. Tell me straight, are you both going out?"

"No!"

Tinawanan na naman ako! "Too defensive for your defense, Miss Perez."

Inirapan ko nga siya. "Because you're asking me overboard question!"

No'ng tinapik-tapik niya 'yong ulo ko, nakasimangot na 'ko. "Too silly of you, babe."

"We're just friends, okay?"

"Fine. Explanation is noted."

Nakangisi naman! Bahala siya diyan! Bakit lahat na lang ng tao, nilalagyan ng malisya 'yong pagiging magkaibigan namin ni Raven. Nakakahiya ro'n sa tao, baka isipin no'n, pinag-tsi-chismis-an na kami. Tsk.

Halos yakapin ko na 'yong lahat ng unan na katabi ko no'ng dumating 'yong araw ng Linggo. Makakapagpahinga na rin, sa wakas! Medyo, hindi rin pala. May pinag-usapan kasi kami ni Raven ngayong araw. Ipapakilala ko sa kaniya 'yong palengke. Panay kasi siya bili sa mga supermarket. Ang mamahal!

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon