Chapter 33
Break-up
Hindi talaga ako mapalagay sa mga ginagastos ni Glenda ngayon.
Simula no'ng sinabi niya na may pinagkakautangan na siya, mas lumala naman 'yong pagiging gastadora niya.
Parang maya't-maya, may mga dumarating na naka-motor dito 'tapos, ang hinahanap, si Glenda. Akala ko nga, 'yong agent na 'yon sa pinagkakautangan niya sa bangko, pero puro pala mga pinamili niya 'yon sa isang online shop!
Wala naman sa 'kin kung nakakagaan talaga si Glenda. Pera naman niya 'yan kaya may karapatan siyang gastusin 'yon sa kung ano mang gustuhin niya.
Pero... 'di talaga maiwasan na magtaka na ako sa mga pinamimili niya. Puro ang mamahal at branded! May isang beses na may nakita akong paperbag ng Chanel. May Chanel bag ako kaya alam ko na paperbag 'yon ng Chanel.
Sa curiosity ko, nilapitan ko 'yon at no'ng pag-buklat ko, nanigas ako no'ng sumambulat na sa 'kin na bag siya ng Chanel!
Sa'n nakakakuha ng ganitong kalaking pera si Glenda?!
"Ah, 'yon ba?"
Binalingan na ako ni Glenda pagkatanong ko sa kaniya kung sa'n galing 'yong Chanel niya. Parang 'di man lang siya namutla o kung ano no'ng nagtanong ako, eh.
Parang wala lang.
"Galing 'yan kay Peter, friend ko sa City of Dreams. Nag-meet kami nito lang at 'yon, binigyan niya ako ng Chanel WOC."
Sana, lahat ng kaibigan, kayang magbigay ng Chanel kahit kakakita pa lang nila.
"Nga pala, labas tayo sa Linggo. Punta tayo ng ATC."
Walang sumasagot sa 'min. 'Di ko alam, pero parang nagkaro'n na yata kami ng traumatic experience kapag sumasama kami sa kaniya. Ang bigat sa loob namin kapag siya 'yong nagyayaya. Parati na yata kasi ring naka-tatak sa isip namin na may lalake na namang kasama. Na 'di naman talaga para sa 'min 'yong gala.
Para lang 'yon sa lalake ni Glenda.
Para maganda 'yong impression niya sa lalake.
Para lang 'yon sa kanilang dalawa.
Kami?
Wala lang. Mga accessory niya lang.
Kaya kung tutuusin, nakakatamad talagang sumama.
"Oh, ba't walang sumasagot sa inyo?"
Tumigil kami sa pagkain namin dahil nakatingin lang sa 'min si Glenda at mukhang hinihintay niya 'yong sagot namin sa tanong niya. Tumango na lang kaming lahat kahit na alam ko namang napipilitan lang kami.
"Cara," Nilingon siya ni Cara habang tahimik na umiinom ng tubig. "Ano'ng gusto mong bilhin ni mommy sa ATC?"
Pasimple kaming sinulyapan ni Cara, mukhang nanghihingi pa sa 'min ng tulong. Sumenyas na lang ako na sagutin na niya si Glenda gamit ng mga mata ko.
Ang goal dito, kailangan naming sakyan si Glenda dahil halatang good mood siya ngayon. May pera, eh.
"Libro lang po."
Nagtaka naman si Glenda. "Ha? 'Yon lang? Mag-isip ka ng damit, bagong bag, o 'di kaya laptop. Tama! Kailangan mo ng mag-laptop. Kayong dalawa ni CJ."
Ang confident naman niya sa mga sinasabi niya. Gusto ko ngang magulantang dahil ni minsan, 'di siya nagpakita ng interes na bilhan kami ng gamit. Lalo na kapag mga gamit pang-eskuwela na 'yong hinihingi namin. Masama pa 'yong loob niya na bibigyan niya kami ng perang pambili.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
Aktuelle LiteraturSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...