Chapter 38

550 25 3
                                    

Chapter 38

Wish

"How's work?"

Nilapag ko muna sa couch 'yong bag ko bago ako umupo dala ng pagod. Ang exhausting ng trabaho sa firm! Dinagsa yata ngayon sina Raven ng clients nila kasi naimbak na lahat ng paperworks niya sa rack! Bukas nga, wala siya, eh, kaya ni-finalize ko na 'yong schedule niya. Sana lang, wala akong ma-miss-out. Ayoko nang mangyari ulit na si Aliana 'yong gumawa ng trabaho ko. Nakakahiya na.

Pumikit muna ako saglit 'tapos huminga rin nang malalim ko kinausap si Yllena na mukhang kanina pa naghihintay ng sagot ko, "Okay naman. Ang daming clients nila Raven ngayon! Puro malalaking clients."

"Ah." sabay tango niya. "You want milk?"

Napabangon na ako sa pagkakasandal 'tapos binalingan ko na siya. "Puwede?"

"Of course!" tinawanan pa 'ko ni bruha.

Pumunta na siya ng ref para kunin 'yong fresh milk do'n. Mabuti naman. Okay na kami ni Raven. At least, we're civil. Enough na 'yong nag-apologize siya. Knowing Raven, 'di naman siya ma-pride na tao. Ako lang yata 'yong gano'n.

Nag-OT pa nga ako kanina dahil kailangang matapos 'yong mga position papers para diretso na sa NLRC si Raven bukas. 'Buti naman, natapos namin. Kawawa si Raven kapag 'di namin magawa 'yon. Ang sabi kasi ni Aliana, ayaw ni Raven mapagalitan ng arbiter dahil daw nakakahiya.

Kita ko 'yong dedication kay Raven dahil iniwan na siya ni Aliana lahat-lahat, nando'n pa rin siya sa office niya, nagkukulong kaka-review ng mga kaso na a-attend-an niya. Makita ko nga lang 'yong mga papel na grabe sa kapal, nahihilo na ako. Talagang grabe, ang hassle talaga ng trabaho niya!

Nag-angat na ako ng tingin no'ng nasa harapan ko na pala si Yllena. Umupo siya sa tabi ko samantalang ako naman, inamoy ko na 'yong umuusok na gatas na ininit niya pagkatapos hinigop ko na iyon.

"Natatakot ako na baka pagtabuyan ulit ako nila CJ kapag lumapit ako." napahigpit 'yong hawak ko sa mug. "Pareho silang ayaw akong makita."

"Then, what's your plan?"

Napailing ako saka ako napabuntong-hininga nang malungkot. "'Di ko alam."

Humigop ulit ako habang nagsalita naman si Yllena, "Let them show what they have felt since you've left them. They have the rights, though."

"Kung puntahan ko kaya si CJ bukas sa work niya?"

"You may do so." nginitian ulit ako ni Yllena. "That's my girl! She never gives that up that easily."

C-h-inat ko si CJ kinagabihan, hoping na baka ma-seen niya, kahit 'yon man lang iyong message ko. Pero pagkagising ko kinabukasan, wala. Napabuntong-hininga na lang ako.

Maaga akong nagising ngayon dahil paghahandaan ko ng pack lunch si CJ 'tapos bibili ako ng groceries para naman kay Cara. 'Saklap nga lang dahil kailangan kong idamay si Sabel.

"Going outside?"

Tumango ako kay Yllena habang sinusuot ko 'yong pares ng white rubber shoes ko. "Bakit?" mukhang kakagising lang nito pero mukha na siyang problemado.

"I'm gonna be reporting in an event and I don't have a gown to wear!"

Itong si Yllena, mukhang tanga. May taste naman 'to sa lahat ng bagay, bakit 'di na lang bumili?

"Hiramin mo kaya 'yong gown ko?"

"No! Your dress is kind of showy. That is a formal event!"

Nag-kibit balikat na ako sa nag-ne-nail biting na si Yllena. Stress na 'to. "Kailan ba 'yang event na 'yan?"

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon