Chapter 46
Leaving
"What's the problem? Are you not happy... anymore?"
Walang naisagot o ailabas na kahit ano sa bibig ko kay Raven nang mga oras na 'yon. Dahil maski ako, alam kong hindi naman 'yon 'yung dahilan kaya ako aalis.
O siguro, dahil naapektuhan kaagad ako sa lungkot na naulinigan ko sa boses ni Raven?
"May... may nahanap na kasi akong bagong opportunity, attorney."
Sa tagal niya akong titigan, feeling ko, malapit na akong malusaw. Nakakailang 'yong malalim niyang titig sa 'kin!
"What job?"
Pinanood ko muna siyang lagpasan ako sa gilid ko bago siya pumunta sa table niya para ipatong 'yong attached case niya na kulay itim.
Niluwagan niya 'yong kuwelyo niya, saka huminga siya nang malalim nang nakapikit saglit. Parang ang bigat ng dinadala niyang problema, ah?
Tinukod niya 'yong isa niyang kamay, sabay harap sa 'kin. Parang lawin 'yong mga mata niya kung makatingin siya sa akin ngayon.
"What job?"
"Bumalik ulit ako sa RECO. Kinuha ako ni Billy para maging model niya."
Tumango lang siya. Nababasa ko sa kaniya na para bang may gusto siyang sabihin, pero tinatago niya lang. Nacu-curious naman ako, kaso ayoko naman siyang pilitin.
"Okay."
Tunog pagsuko 'yon, ah? Ano 'yon?! Parang wala na lang siyang nagawa sa sinabi ko?!
"Do they have any replays of your events?"
"Huh?" Napaisip ako ro'n, ah? "'Di ko lang po alam, attorney. Bakit po?"
Umiling siya, sabay iwas sa akin ng tingin. "Nothing. Anyway, congrats, I guess?"
Ang kalmado niya talaga.
"I'm gonna inform Ms. Athena of Jupiter of your resignation. Thank you."
'Tapos, 'yon lang. Pinaalis na niya ako. Wala man lang siyang sabi-sabi na kahit ano. As in!
Ano nama'ng inaasahan ko?
Natulala ako ng ilang minuto, hindi maintindihan na bakit ganito 'yong reaksyon ko?
Nagkibit-balikat na lang ako. Kung wala na siyang ibang sasabihin at mukhang okay lang naman sa kaniya, eh, di go!
"Are you mad?"
Para akong nakakita ng multo! Napabaling kaagad ako kay Atty. Madrigal after niyang magsalita. Tinigil ko muna 'yong pag-eencode ko.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!"
"What do you think a senior partner should do?"
Aba, ang kapal. Tinaasan ko nga ng kilay. "Teka nga. Akala mo, mananahimik ako sa ginawa mo sa bestfriend ko?"
Ngisihan ba ako?
"Didn't know she is your bestfriend. If only I found it out early—"
"'No gagawin mo? Gagamitin mo 'ko para mapalapit sa bestfriend ko?"
Nagkibit lang siya. "More of I'm gonna ask for your help."
"Ayoko nga."
Pinanood ko 'yong pagtawa niya nang medyo malakas. "I know, right?"
No'ng humupa na 'yong tawa niya, sumabat na naman ako, "Ano na'ng plano mo?" Sinarado na niya 'yong pinto ng office at umupo ro'n sa couch.
"Why did you ask? You're gonna help me, huh?"
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...