Chapter 27

364 14 2
                                    


Chapter 27

Family

"Aware naman si hottorney sa mga ginagawa mo sa trabaho mo, 'di ba? Baka naman, maintindihan niya rin 'yon."

Hindi ako maalo sa mga advices ni Cris kahit na anong gawin ko. Para namang VTR 'yong isip ko na paulit-ulit na nagpe-playback 'yong ginawa namin kanina ni Billy. Napapapikit ako at napapangiwi na lang ako tuwing naalala ko. Dapat ko bang sabihin kay Raven lahat nang 'to, eh, nag-e-exam 'yon ng BAR? Baka, maging distracted 'yon lalo!

Nilalamon 'yong pagkatao ng matinding reaksyon ni Raven kapag nakita niya 'yon. Hindi malabong araw-araw niya 'tong dadalhin. Iyon pa nga lang 'yong nagagawa namin, natataranta na ako ngayon. Paano pa kaya kapag nakita niya pa 'yong mas terible? Mas lalong nakakapanic!

"Aware siya... pero siyempre, 'di ko naman maiiwasang masorpresa 'yon. 'Tapos, galing pa sa may sinabing pamilya." Sa sobrang frustrated na nararamdaman ko, napasabunot na 'ko sa buhok ko. "Ano na lang 'yong sasabihin ko sa kaniya?"

Pati boses ko, nanghihina na. Gusto ko namang sabihin kay Raven, kaya lang, siyempre, nag-e-exam 'yon. Baka mas unahin niya pang bumili ng magazine kesa sa law books niya. Ma-distract pa siyang lalo.

Napatulala ako saglit. Dahil teka nga? Ba't ba 'ko namomorblema? Wala naman kaming ginawa ni Billy na masyadong masagwa... Bahala na nga. Sabihin ko na nga, pero talagang igigiit ko na walang malisya ro'n. Malaki naman 'yong tiwala ko na hindi 'yon biglang magpapanic o kung ano. 'Tsaka isa pa, malinaw namang agreement sa 'ming dalawa na baka may gawin ako sa trabaho ko na kailangan... nilinaw ko sa kaniya 'yon, ha? Kaya dapat, hindi na ako natataranta nang ganito, ano?

"Hey, baby, are you alright?"

Sabay kaming napalingon ni Cris kay Billy na nagpalit na no'ng damit niya. Sa 'ming dalawa, ako 'yong nagmadaling magpalit kasi hindi ko nakayanan 'yong mga scene pagkatapos naming i-shoot 'yon... pakiramdam ko, ang dumi ko bigla? Bigla ko na namang naalala... kailangan ko na talagang makausap si Raven!

Ang tipid ng pagkakangiti ko sa kaniya. Hindi na ako nagtaka no'ng kumunot 'yong noo niya sa reaksyon ko.

"What's the matter?" mas lumalim pa 'yong kunot sa noo niya dahil hindi na ako nagsalita... ano ba'ng sasabihin ko?

"There's nothing wrong, Billy. Joy's only tired."

Sinulyapan ko si Cris. Kung minsan, gusto ko ring pasalamatan 'to dahil alam niya kapag hindi ako okay. Siya na mismo 'yong buma-back-up sa 'kin.

"You both sure?"

"Yeah." Tinapik ako ni Cris. "Tara na, frenny. Sakay na tayo sa van. Matulog ka na muna ro'n."

Sinunod ko naman 'yong sinabi ni Cris. Natulog ako. Nakakapagod din kasi 'di lang 'yong shoot pati na rin 'yong biyahe dahil ang layo ng Maestranza sa Batangas.

Bahagya lang akong nagigising dahil sa tunog ng notifications sa phone ko. Mga text kadalasan ni Raven. Hindi ko muna pinipindot dahil alam kong mangangamusta 'to sa shoot na ginawa namin. Wala pa 'kong lakas para magpaliwanag sa isang 'to.

Hinatid ako ng service ng RECO sa kanto ng bahay. Balak ko sanang yayain sina Billy para magmeryenda, kaso nanlalata ako sa pagod. Pagod sa shoot, pagod sa kakaisip ng paliwanag kay Raven. Ang kulit talaga ng isip ko.

"Si mama?" nilagay ko sa isang gilid 'yong malaking bag ko pagkatanong ko sa mga bata. Nagsalubong agad 'yong kilay ko dahil mukha silang mga gutom at wala pang kinakain. "Hindi pa umuuwi, ate." Ang bilis magtaas ng kilay ko. Nagpanting kasi 'yong tainga ko sa sagot ni Cara.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon