Chapter 11
Name
"Bakit kami pinapatawag, Cris?"
Sanay na 'ko sa pang-iirap ni Cris dahil nakasanayan ko nang tawagan siya sa totoo pangalan niya. Dedma. Hindi naman 'yan 'yong concern ko. Lalo na ngayon.
Grabe 'yung kaba ko!
Pa'no? Simulan ba naman ako ni Cris sa pagsigaw niya 'tapos nagtitili pa siya sa harapan ko na pinapatawag daw ako ng RECO. Sinabihan daw siya kanina! 'Yong puso ko habang nagsasalita siya? Panay kabog na nang kabog!
"Hindi ko nga rin alam, frenny. Nakakaloka. Iniisip ko kung may ginawa ka nang kalokohan for the past months---"
"Hoy! Wala, ano? Kalokohan ka diyan?"
Tinaasan ko pa ng kilay. Ano nama'ng kalokohan 'yong gagawin ko sa kanila?!
"Kaya nga, frenny, alam kong malabo namang gagawa ka ng kalokohan. Anyway, mag-freshen up ka na, okay? Meeting tayo with them ng mga 4:00 PM."
Kahit hindi ko malaman kung ano 'yun, tumango na lang ako. Nagkaroon pa kami ng isang round of practice bago kami tinapos. Nagpalit muna ako ng damit bago ko ulit nilapitan si Cris.
Kaso, bakit nandito rin sina Billy? Akala ko, ako lang?
"Baby! You were called, too!"
Tumango ako sa tanong ni Nancy. Hindi kasi kami magkakasama ngayon sa practice dahil nasa magkakaibang projects kami.
"Gosh, I dunno what's happening! Like kinakabahan na 'ko."
Hinahagod naman ni Maddox iyong likod ni Pearl. Panay naman 'yong paypay ni Pearl sa sarili niya. Mapapa-sana all ka sa dalawang 'to kung iisipin mo na may something sa kanila pero nililinaw sa 'min ni Pearl na wala naman daw.
"Are you nervous?"
"Kind of," sagot ko sa tanong ni Billy.
Kita ko sa mukha niya na concern siya sa 'kin. Siyempre, na-appreciate k0o naman. Hindi kasi normal na patawagin kami bigla ng management ng RECO.
"Want my hug? Come here, I'm free." Tapos nginisihan na 'ko!
Aba ayos, ah? Inirapan ko nga. Tinawanan naman pa 'ko ako, 'di pa nakontento.
Dumiretso na kami sa office ng management. Si Pearl 'tsaka si Maddox lang 'yong naririnig ko. Minsan, umi-epal din si Nancy pero iisipin mo na kaya niya lang 'yon ginagawa para asarin 'yong dalawa na kanina pa nagiging sweet sa harapan ko.
Si Billy naman, puro kuwento lang sa 'kin no'ng pinapanood niyang anime ba 'yun? Basta, ang sabi niya sa 'kin, 'yon daw 'yong pinagkakaabalahan niya kapag free time namin. Naruto pa 'yong pinapanood niya. Sinusubukan niya naman na ma-gets ko 'yung pinagkukuwento niya. Eh, kaso, hindi ako nanonood no'n. Tumatango na lang 'ko rito para hindi niya ma-feel na wala akong interes sa pinagsasabi niya. Nakakahiya naman kapag gano'n ako.
No'ng tumunog na 'yong elevator, masyadong kakaiba dahil tumahimik na kaming lahat. Iyong ingay nila Pearl, nawala no'ng malapit na kami sa office. Naiihi na 'ko, pota, pero wala akong magawa!
Sumalubong sa 'min 'yong seryosong mukha no'ng management. Ang sarap sanang isipin kung pinag-iisip nila pero h'wag na lang. Kinakabahan ako lalo, eh.
Katabi ko si Billy habang nasa gilid ko si Cris. Nasa kabila naman ni Billy 'yong manager niyang lalake na medyo aburido pa yata kasi pinatawag siya rito. Sa pagkakaalam ko, hindi basta-basta 'yong manager ni Billy dahil puro malalaking artista rin ang hawak no'n.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...