Chapter 12
Of course
Sir Vergara:
Tuloy ka ngayon?
Mabilis kong ininom 'yong coffee bago ko pinatong sa table. Nag-pokus ako sa message ni Sir Vergara at nag-reply na 'ko kaagad.
Ako:
Yes, tuloy po tayo ngayon.
Sir Vergara:
All right. Nando'n pa rin sa bahay 'yong books mo.
Ako:
Thanks po.
May pagkain kaya sa bahay niya? Sa pagkakakilala ko pa naman rito...
Sir Vergara:
Noted. Gonna pick you up later. Nasa review center lang 'ko ngayon.
Ako:
Daan po pala tayo ng grocery mamaya, sir.
Sir Vergara:
Why? Gonna buy something?
Ako:
Opo.
Ang 'di niya alam, dadaan kami ng supermarket para bilhin siya ng stock ng pagkain niya. Sobrang kakaunti lang ng stock niya roon. Oh, baka naman hindi talaga niya ginagawa. Pa'no kaya makaka-survive 'tong si sir?
"Who's that?"
Nag-angat ako ng tingin kay Billy. Aba, nakasimangot kaagad 'tong isang 'to, eh, kanina lang, agaw na agaw 'yong atensyon niya rito sa SB sa lakas ng boses niya.
"My... guardian."
At sumimangot pa lalo?
"Ah, okay." May binulong pa siya pero hindi ko naman narinig.
Kasalukuyan kaming nasa labas ng studio at nag-decide kaming lahat na kumain ng lunch sa BonChon. Hindi ko nga alam kung bakit ganito 'yung ino-order namin, eh, dapat on diet kaming lahat. Cheat day na lang daw kasi sobrang 'yong pagke-crave ni Pearl sa chicken. Sobra rin 'yong pag-aalala ni Maddox sa kaniya.
Tumungo nang bahagya si Billy. "What's your order, baby?" tanong ni Billy, nakangiti na ngayon. Ang bilis din mag-shift ng mood nito.
"Spicy chicken."
"A'right."
Nilingon ni Billy si Maddox. Kausap naman no'n si Pearl. Busy naman sa kaka-selfie si Nancy. Nagpu-foodstagram siya no'ng mga oras na 'yon. Hindi ko rin masakyan 'yong trip ni Nancy kasi out of personality ko na 'yon. Masyadong makikay, pero tanggap ko siya.
"Hey, Maddox, you look pale shit, dude. Hurry up! We need to fucking order!"
Ang tagal din ng titig ni Maddox kay Pearl. Hindi naman siya pinapansin ni Pearl dahil ginugulo naman niya si Nancy.
Napasulyap na naman ako sa cellphone ko no'ng nag-beep. Si Sir Vergara ulit, nag-text.
Sir Vergara:
Do you wanna eat out later?
Napangiti na 'ko.
Me:
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
قصص عامةSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...