Chapter 20

418 17 1
                                    


Chapter 20

Avoid

"Ano'ng sinasabi mo?"

Nakatulala lang ako, hindi pumapasok sa isip ko 'yong sinabi niya... kakasabi niya lang ba na gusto niya 'ko?!

"I said, I like you."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumeryoso lalo 'yong boses niya. Hinarap ko siya nang maayos kasi 'langya hindi ko malaman kung ginagago niya ako o kung ano!

Panay 'yong kurap ko, hanggang sa tumawa na ako nang malakas. Parang tanga. Tumatawa ako nang ganito nang ganitong oras!

"Why are you laughing?" nawala na 'yong tawa ko. "I'm serious here---"

"Imposible kasi 'yan, Raven," 'yong boses ko, nag-hihisterikal na kasi nga, napakaimposible!

No'ng may napadaang sakit sa mga mata niya, napaatras na ako. Takot kaagad 'yong unang naramdaman ko.

Hindi naman siya 'yong unang lalake na nag-confess sa akin na gusto niya ako. Marami sila. May tibo pa nga dati, eh... Iyong iba ro'n, naging karelasyon ko, iyong iba, kalandian lang. Sobrang rebelde ko kasi noon. Wala pa akong direksyon sa buhay dahil sa mga desisyon ni Glenda sa buhay niya na nakakairita... minsan, pinagsasabay ko pa.

Pero... si Raven 'to... nagtatapat sa 'kin?! Sobrang perpekto ng lalakeng 'to! Matalino, galing sa marangyang pamilya, future abogado pa! Ano'ng meron lang ako? Kapal ng mukha.

Umiling na ako habang umaatras. "Ikaw talaga... baka kung ano na 'yong pinag-aaralan mo, kaya ganiyan na 'yong mga sinasabi mo."

Hindi na ako makahinga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!

"It doesn't mean, I confessed means you need now to tell me what you feel about me." Huminto ako sa paglalakad. Nag-iwas siya ng tingin. "I said to myself that I'm gonna wait till the BAR to get finished; that after taking the BAR, I'm gonna confessed... to you. I know this is gonna be a distraction, but hell, you're a great walking distraction for me, Joaquin Ysabella."

Mariin akong napalunok. Para akong mawawala sa mga titig niyang sa akin lang naka-direkta. Wala akong masabi kasi ano'ng sasabihin ko? Thank you?

Napahugot ako ng malalim na paghinga. Ayokong sagutin 'yong sinabi niya. Ayokong may masabing mali... kasi naguguluhan pa ako.

"Please don't rush and pressure yourself." Huminga nang malalim si Raven. "I'd patiently wait for your answer... I just want you to know what I feel about you." Nginitian na niya ako. "I know you'd have a lot of questions. I'm gonna answer that if you're ready."

Hindi ako makatulog!

Kanina pa 'ko rito pabaling-baling dito sa kama ko. Medyo kinakabahan na nga ako dahil baka naalimpungatan ko na 'yong dalawang bata sa baba.

Paano ba ako makakatulog sa sinabi ni Raven?! At saka, kailan pa niya... kailan pa niya 'yun naramdaman? Bakit hindi ko man lang nakita sa mga galaw niya? Seryoso ba siya?! Ang galing naman niyang magtago!

Huminto na ako sa paglikot 'tapos tiningala 'yong kisame. Napahawak ako sa dibdib ko na ang lakas-lakas pa rin ng kabog.

Bakit naman ako pa? Bakit naman sa akin pa? Wala namang kaganda-ganda sa akin, eh. Alam na nga niya 'yong family history ko... 'tapos, ginagapang ko pa 'yong sarili ko para matupad 'yong gusto ko mangyari sa buhay. Ang dami ko pang problema. Kaya, bakit ako?

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon