Chapter 2
Impress
Nakakagigil!
Sobrang nakakawala ng gana ng kain si 'sir'! Promoter siya ng indigestion ko sa pagkain! Kumukulo na nga 'yung dugo ko sa inis habang pinapaikot ko ng tinidor 'yong spaghetti na in-order ko. Ito naman si Donita, naglabas na nga 'ko ng sama ng loob, tawa naman nang tawa! Galit na galit na 'ko, ang bruha, halos maluha nang kakatawa kasi raw para akong bata na pumatol do'n?! Bakit, tama naman 'yong ginawa ko, ah?!
Pero kahit ano nama'ng explanation ko, ang kaibigan kong 'supportive', tawa lang nang tawa. Kahit na nakasimangot na 'ko no'n, ha? Konti na lang talaga, mag-a-apply na talaga ako sa mga comedy bar.
"Ba't ba kasi gano'n mo sagutin si Sir Vergara?" tanong ni Donita pagkatapos sumubo ng spaghetti.
Umirap ako. "Para makaganti! Ha! Akala niya, ha? Pagkatapos niya 'kong ipahiya no'ng isang araw!"
"Ikaw rin naman kasi'ng may kasalanan no'n. Tama ba naman na batuhin mo siya ng mga sagot na parang hinahamon mo siya? 'Di siyempre , maiinis 'yong tao."
"Pikon lang 'ka mo kasi siya."
"Mukha namang hindi."
"Kaibigan ba kita?"
Tinawanan na naman ako! Kahit na naniningkit na 'yong mga mata ko, hala, tumatawa na naman si Donita. Nasa'n na ba kasi si Yllena? Mas matino pa 'yung kausap kaysa rito, eh!
Ah, hindi rin pala matinong kausap 'yong isang 'yon.
"Oo naman, kaibigan mo 'ko," sagot niya pero ngingiti-ngiti.
"Eh, mas kinakampihan mo pa 'yung matandang 'yon."
"Joy, bibig mo!" pinanlakihan niya 'ko ng mga mata. Akala naman ni Donita, matatablan ako. Bakit ba?
Siya naman 'yong nanliit ang mga mata. "Aminin mo nga... crush mo ba si Sir Raven?"
Ako talaga, ha? Seryoso ba 'tong si Donita?
Nabitin tuloy sa ere 'tong bibig ko no'ng ipapasok ko na ang straw ng dapat sana'y pag-inom ko ng Mountain Dew.
Ako na 'yong tumatawa ngayon nang malakas. Halos maiyak na nga 'ko, eh. Tumigil lang ako kasi tahimik lang akong pinapanood ni Donita.
"Are you serious? Baka siya'ng may gusto sa 'kin."
"Lakas ng hangin natin dito, ah?" nag-iling-iling siya.
"Wait..." parang may sumulpot na idea sa isip ko. Natawa tuloy ako. "Baka nga! Kasi gano'n niya 'ko pakitunguhan, eh. So apparently, crush niya 'ko."
"Ay, naku, tumigil ka na nga lang diyan sa iniisip mo, Joy. Bilisan mo na lang kumain diyan."
Bakit? Possible naman 'yon, 'di ba? Hindi ko aalisin 'yong posibilidad na magkatotoo iyon. Ha! Malay ko lang...
Pero siyempre dahil ayokong ma-stress buong buhay ko dahil alam kong si 'sir' 'yong prof ko, nag-search na lang ako sa portal ng MSU kung may other slots pa ng program na iyon. Kaso, kapag minalas-malas ka nga naman dahil puno na ang slots para sa Phil Consti. Lalo lang akong nainis.
Dumating 'yong araw ng Sabado. Papunta na rito siyempre sina Glenda. At kagaya nang inaasahan ko na, aligaga na naman siya kasi padating na 'yong lalake rito sa bahay. Gusto niya, maging perfect lahat sa paningin ng mga lalake niya.
"Ano, nakapaglinis na kayo riyan?"
"Nagsisimula na kami," sagot ko, hindi nakangiti.
"Good. Magbihis kayo nang maayos, ha? Ayokong maging magulo ang lahat kapag nandiyan na siya. Ayaw pa naman ni Stephen nang madumi at makalat."
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
Ficção GeralSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...