Chapter 41

550 21 8
                                    

Chapter 41

Sasama

TW: Attempted Assault

SPG: Profane Language

"Good morning."

Medyo na-shock pa 'ko kaya napahawak ako sa dibdib ko pagkabukas ko ng pinto. Si Raven naman! Bigla-bigla na lang akong babatiin—

Wait, binati niya ba 'ko?

Napatitig ako sa kaniya, nagtataka na kasi mga dalawang buwan na rin ako rito sa office, pero ni minsan, 'di pa niya 'ko binabati. Normally, ako pa 'yong nabati kasi nga, boss ko siya.

Ayoko namang pagmukhain siyang parang tanga sa harapan ko dahil mukhang hinihintay niya ring batiin ko siya kaya, gumanti na ako, "Good morning din po, attorney."

Tumango siya, pero kita kong kumislap 'yong mga mata niya pagkatapos. 'Di 'yon nakalagpas sa paningin ko.

"Still want to stay longer in the doorway, huh?"

Another na pagtalon na naman 'yong ginawa ko. Si Aliana pala, nasa likod ko! Ano ba naman 'tong magpipinsan na 'to! Ang hilig akong gulatin! Mabuti na lang, nakaalis na si Raven sa harapan ko!

"Why look so surprised?"

Napangiwi ako sa pag-singkit ng mga ni Aliana sa 'kin pagkapasok niya ng firm. Ano ba'ng iniisip nito?

"Nagulat ako kasi bigla kang nagsalita," pagdahilan ko na lang, pero mukhang 'di pa yata siya satisfied. Ang tagal niya akong pinaningkitan ng mga mata! Mukha ba 'kong kahina-hinala sa mga aksyon ko?!

Nakahinga ako nang maluwag no'ng nagkibit-balikat siya. "Alright. Morning. Time to work."

As usual, wala na kaagad si Raven pagkatapos ko siyang papirmahin ng mga document para sa isang kaso ng logistic company. Kami lang ni Aliana 'yong nasa firm.

Ang daming naghahanap kay Atty. Madrigal! Eh, sabi naman ni Raven, okay lang na ibigay ko 'yong number niya at wala naman daw 'yong kaso kaya binibigay ko naman.

No'ng patanghali na, sumilip ako sa cellphone ko. Napatulala ako nang mga ilang segundo no'ng nakita ko na July 27 na pala... birthday na pala ngayon ni Cara! Pota! Bakit ko naman nakalimutan na birthday niya bukas?!

"You look constipated." una ko kaagad nakita 'yong mug ni Aliana na tinapat niya sa mukha ko. Dahil do'n, naamoy ko 'yong brewed coffee pagka-angat ko sa kaniya ng tingin. Umuusok pa nga. Medyo naguluhan ako ro'n, ah? Tanghaling-tapat, nagkakape?

Umiling na lang ako sa iniisip ko. "Birthday na kasi ng kapatid ko bukas."

"Oh." medyo nagulat siya. "So, planning to leave tomorrow?"

'Di ko maiwasang sumulyap sa pintuan ng office ni Raven. Napagalitan na niya kasi ako sa bigla kong pag-undertime 'tapos, iniwan ko pa si Aliana.

Sumulyap muna si Aliana sa pintuan bago niya ako binalingan ulit. "Don't worry. Atty. Vergara will definitely understand your situation."

"'Di kaya, magtaka 'yon? Bukas na kasi, eh. Kasalanan ko rin naman, 'di ko bigla naalala."

Umiling siya. "He's understandable. He doesn't bother, for as long as it's reasonable."

Importante naman sa 'kin 'yong birthday ni Cara... pero ayoko nang ma-disappoint si Raven this time sa 'kin kaya magpapaalam na 'ko sa kaniya nang maayos.

Ang masama, wala si Raven buong maghapon sa firm.

Lalo lang akong naging problemado. Nag-iisip na ako ng maraming excuses. Tinapos ko pa 'yong mga urgencies kasi ayoko nang matabunan pa si Aliana. Nalaman ko pa na wala siya bukas dahil may biglaan siyang klase. Nag-OT na 'ko para lang matapos.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon