Chapter 13

382 18 0
                                    


Chapter 13

Raven

Kung nasa bahay lang ako, matutulog pa 'ko nang mapayapa at hindi ko papansin 'yong bardagulan ni Cara 'tsaka ni CJ.

Kaso, no'ng naramdaman kong ang lambot ng kamang hinihigaan ko, napabalikwas kaagad ako ng bangon!

Pota!

Nanlalaki 'yong mga mata ko 'tapos napahawak pa 'ko sa dibdib ko! Kaagad, mabilis kong iginala 'yong paningin ko kasi pota, hindi ko alam kung nasa'n na 'ko. Malay ko bang may---'yung puri ko!

Nakahinga ako nang maluwag. Wala pa naman akong naramdaman. Diyos ko, salamat po!

Okay, balik sa nangyayari... nasa'n ba 'ko?!

Sa kakatingin ko, 'tapos ang sakit pa no'ng ulo ko dahil namimintig na siya, do'n ko lang na-realize na nandito na pala 'ko sa bahay ni Raven. Malay ko naman kasing nandito pala 'ko. At kaya ko rin hindi na-realize kaagad, eh, dahil nandito pala 'ko sa kuwarto niya... shit!

Ang bilis ng pagkakatalon ko! 'Tapos, no'ng nakita ko pa 'yung sarili ko sa salamin, napapikit na 'ko sa sobrang kahihiyan! Naka-tube pa pala 'ko! 'Tapos, naka-skirt! Ano'ng kahihiyan 'tong pinaggagawa ko sa sarili ko?!

Huminga ako nang malalim para kumalma. Kailangan kong mag-isip. Ito na 'yung pangalawang beses na nakatulog ako sa bahay ni Sir Vergara. Maiintidihan ko pa 'yung una, eh. Kaso 'tong pangalawa na? Parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan.

Nakakagulat. Wala nang bakas ng make-up 'yong mukha ko. Mas lalo ko lang yatang gustong lumubog. Malamang, si Sir Vergara 'yong nagtanggal no'n!

Pota naman talaga, Joy!

Sinuklay ko 'yung buhok ko gamit no'ng mga daliri ko. Sa baba na lang ako magmumumog. Nakakahiya namang magbanyo kay Sir... jusko.

Kaunting pagpag pa sa damit at bumaba na 'ko. Ang ingat pa ng lakad ko kasi iniisip kong natutulog pa siya. Ang galing ko! Hindi ko pa maalala 'yong nangyari kagabi kasi knock-out kaagad ako sa kalasingan, pero tingin ko, pinapunta ko siya. Pinapunta ko siya na nagre-review pa siya... ang galing ko sa bagay na 'yon!

Tama nga 'yung hula ko. Naabutan ko si sir sa sala na nakapikit, suot pa 'yung specs niya. Ang lalim ng tulog din nito, 'tapos ang kalat pa ng law books niya 'tsaka mga reviewers niya.

Napailing na lang ako.

Maingat kong isinara 'yong mga libro niya 'tapos nilagay ko sa tabi. Tiniklop ko 'yung page kung saan siya natapos kasi baka magwala 'to dahil ginalaw ko 'yung mga ni-review niya.

Tinignan ko 'yung posisyon ng pagkakatulog niya. Nakaangat 'yong ulo na nakasandal 'yong leeg 'tsaka 'yong likod sa headrest. Gusto ko sanang ipahiga siya kaso baka magising. Nakakangalay naman 'yong posisyon niya.

Hindi ko rin naman siya inistorbo. Pumunta na kaagad ako ng kusina niya. Heto na naman ako sa isang edisyon ng pakikipaglaban sa mga equipment niyang napaka-automatic.

Dahil marami siyang stock ng pagkain ngayon, pinili kong gumawa ng champorado. In fairness, nagsasaing na rin siya. Habang nagluluto rito, saka ko lang naalala na oo nga pala, i-check ko nga pala 'yong phone ko. Malamang, nag-aalala na 'yong mga kapatid ko. Makakalusot naman ako roon. Pati na rin kina Billy, kailangan ko rin silang tawagan.

Pagkatapos ng pakikipaglaban sa kusina niya, tinikman ko na 'yung niluto kong champorado. Papasa na rin siguro 'to.

Lumapit na 'ko kay Sir Vergara. Ang himbing pa rin ng tulog niya, kaya marahan ko siyang niyugyog.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon