Chapter 45

325 20 6
                                    

Chapter 45

Dreams

Ayokong ipahalata pero nakahinga ako nang maluwag no'ng sumulpot na si VJ! Akala ko talaga, 'di siya makakaabot! Kinabahan ako ro'n, ah!

"What are you doing here?" kulang yata 'yong salitang gulantang sa hitsura ngayon ni Yllena na banaag sa mukha niya na 'di pa rin siya makapaniwala na nandito na 'yong ama ng anak niya.

Sorry, Yllena. Ngayon pa lang, gusto ko nang humingi ng patawad. Sorry talaga...

"Fetched my car today. Thought of visiting you here today, but this is not what I'm expecting. Trying to hide away from me, huh?" nagtaas pa ng kilay 'yong mokong.

"That's not true!"

"Stop playing games with me, Yllena. By the looks of you, I know you're leaving elsewhere. I won't allow you to do that. Especially that I know we have a child—-"

"I told you this isn't your child!"

"Ah, kayo, puwede na ba akong pumasok?"

Nabitin 'yong inis ni VJ dahil pareho na silang nakatingin sa akin. Gusto ko pa sanang magmarites, pero male-late na 'ko!

"I'm sorry, Joy." Nilingon muna niya ako vago si VJ. "You should go with Joy, too."

"No." Aba, iba rin 'tong si VJ. 'Di tinatablan sa pagsusungit ni Yllena!

Nagpaalam pa rin ako kay Yllena kahit na alam kong mag-aaway pa rin sila. Ginawa ko naman na 'yong part ko. Si VJ naman ang trumabaho. Paghirapan niya, dahil 'yong magaling kong bestfriend, walang balak na patawarin siya.

Dumating ako sa office na mukhang ako pa lang 'yong tao. Naglinis lang din muna ako ng workspace ko, bago ako nagsimula sa trabaho ko.

Hanggang sa natagpuan ko na lang 'yong sarili ko na napabuntong-hininga na lang.

Oo nga pala. Kailangan ko nang ayusin lahat ng itu-turn-over ko sa may-ari talaga ng posisyon na 'to. I want a smooth transition para sa kaniya.

Ayokong mahirapan siya sakaling mawala na 'ko rito... o mahirapan sina Raven sa mga pending ko. Marami nang iniisip 'yon, ayoko nang makadagdag pa.

"Good morning."

Halos mapatalon naman ako sa gulat! Kanina pa ba ako may ginagawa at 'di ko na napapansin 'yong mga taong pumapasok?!

But the familiar musky smell? It didn't fail. I knew it. It was him and he wore that same smell eversince.

Alam ko naman. Aalis na ako.

"Good morning, Attorney Vergara."

Parang nawala 'yong composure ni Raven do'n, ah? Ganiyan din 'yong reaksyon niya no'ng nakaraan. Bakit?

Tinanguan niya lang ako 'tapos iniwanan niya rin ako.

Gano'n lang.

Ang weird niya talaga... pero kung sa bagay, si Raven naman talaga 'yon. Gano'n naman talaga siya, ever since.

Bumalik ulit ako sa usual na ginagawa ko. Answering phone calls and e-mails, attending to clients ng firm, checking the schedule of every attorney, etc.

Nakakapagod, pero sobrang worth it din magtrabaho rito. Mamimiss ko talaga lahat ng ginagawa ko rito.

Tumigil lang ako sa pagtitipa sa computer pagkarinig kong may nag-ring sa phone ko.

Billy:

Expecting you to come here at 1:00 PM. Don't be late 'coz the RECO's pres is here.

Seryoso ba?!

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon