Chapter 35
Past
It was just hard to deal with someone like a stranger when you got used to knowing him before. So much.
Kaya no'ng narinig ko na may kausap siyang ibang babae, parang... 'di ko alam. 'Di ko alam 'yong i-re-react ko. O, kung may karapatan pa nga ako i-react, eh.
Anim na taon din 'yon. Siyempre, 'di naman ako magtataka kung makakahanap siya ng iba dahil ang dami ring puwedeng maganap sa buhay niya.
Ang totoo, ang dami ko ring rehearsals na ginawa para lang kung magkaharap kami, kung sakali, ni Raven sa future, mapapakita ko sa kaniya na totally moved-on na 'ko sa kaniya.
Akala ko, okay naman na, kasi nagagawa ko na siyang makausap nang ganito ka-professional ngayon. Akala ko, okay na ako.
Pero isang dinig ko lang sa kausap niya? Nakaramdam ako agad ng kirot sa dibdib ko.
Alam ko.
Ang kapal talaga ng mukha ko.
Ano'ng karapatan kong maramdaman 'to? Ginusto ko rin naman 'yong nangyari sa 'min in the first place.
Ito 'yong mahirap, eh. 'Yong ikaw ang nakipag-hiwalay, pero ikaw pa 'yong higit na nasasaktan?
O, baka pagod lang ako? Baka nga. Sa dami ng problema ko sa buhay, kung ano-ano na lang 'yong nasa isip ko.
Pagod lang ako.
Nag-chat ako kay Cris. Sinabi ko sa kaniya na tuloy ako sa BGC today. Gusto kong... uminom.
Lately, I became a hard drinker and I was into partying. Through with it, nakakalimutan ko kahit saglit 'yong mga problema ko. Salamat kay Billy dahil nakakalibre kami sa The Hype. Siya kasi 'yong owner do'n.
Nawala man ako sa RECO, 'di naman nawala 'yong contact ko sa mga close friends ko. No'ng nalaman nga ni Billy na nag-resign ako sa RECO, nag-offer siya ng tulong niya. 'Di ko tinanggap. Ang laki na rin kasi ng abala na ginawa ko sa kanila ni Cris noon. Sila 'yong dahilan kung bakit 'di ako nilabanan ng legal suit ni RECO. Hinarang na kaagad ni Billy bago pa sila magsampa sa 'kin. Ang deal, kailangan ko lang ibalik sa kanila 'yong inutang ko. Binalik ko rin naman dahil wala talaga akong balak ibigay 'yon kay Glenda.
Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa 'kin.
Sa 'min...
Every time na naalala ko 'yon, nagngingitngit pa rin ako sa galit. Nang dahil sa kaniya, nakipaghiwalay ako kay Raven. Nang dahil sa kaniya, nawala lahat ng pangarap ko sa buhay. 'Di ko natuloy 'yong pag-aaral ko at 'yong modelling ko. Nang dahil sa kaniya, nagkanda-letse-letse 'yong buhay ko. Nang dahil sa kaniya, nawala sa poder ko 'yong mga kapatid ko.
Lahat ng kamalasan ko sa buhay, siya 'yong may kasalanan.
Napahugot ako ng malalim na hininga. Ang pangit naman siguro na habang nagbibilang ako rito ng sign pen ng mga abogado rito, iiyak ako. Parang tanga lang.
Napansin ko na habang nag-iimbentaryo ako, ang kaunti na lang ng stock nila sa lahat ng items na meron sila rito sa supplies nila.
Ano ba'ng frequency ng inventory nila rito?
Pumunta ako sa computer para i-check kung kailan 'yong last inventory ng office supplies. Ang sabi, no'ng last two months ago pa. Kaloka. 'Di na yata nila maasikaso dahil sa dami rin ng ginagawa nila sa firm.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...