Chapter 40
Professional
Parang 'di ko alam kung gaano ako katagal na humihikbi sa tabi ni Raven. Pagkatapos niyang itulak nang malakas si Ian at salitaan ng isang maikli lang, tinakas niya ako sa walang-hiyang 'yon. Habang hinihila niya ako, nag-uunahan namang tumulo 'yong luha ko sa magkabilang pisngi ko. Kabado ako na baka may makapansin kaya nakatungo ako habang palayo kami ni Raven sa mga tao.
Ang sakit pa rin ng dibdib ko. Dama ko pa rin 'yong bigat ng sama ng loob ko. Akala ko, 'tapos na ako sa yugto ng buhay ko na 'yon. Pilit ko na lang siyang kinalimutan. Pero pagkatapos kong makita si Ian na ang lakas ng loob na maging masaya at ipagyabang na siya 'yong nagwagi sa 'ming dalawa, naalala ko na naman kung gaano kasakit 'yong pagmukhain kang gago.
Naalala ko pa no'n na 'di ko matago 'yong dismaya ko no'ng sinabi na ng HR 'yong verdict sa sinampa kong reklamo laban kay Ian, kasama no'ng girlfriend niya na sinugod pa 'ko sa cubicle dahil nalaman niyang hinalikan ko raw si Ian.
Alam ng Diyos na 'di ako 'yon! 'Di ako 'yon! Siya naman talaga 'yong nagpakita ng motibo sa 'ming dalawa, sa simula pa lang. Nagbulagbulagan lang ako no'ng una dahil alam ko na siya 'yong head ko, at nag-aasam ako na ma-promote dahil kailangan ko pa ng mas malaking pera. Ang laki ng hangad ko noon na makuha na sila CJ at Cara sa kanila.
Kahit na nagpapakita siya sa 'kin ng motibo, 'di ko siya pinapatulan. Kahit nga 'yong mga paghawak niya sa 'kin noon, iniiwasan ko lahat nang 'yon. Sinabi ko 'yon lahat kay Cris. Sinasabi na niya sa 'kin na umalis ako, 'di ko lang magawa dahil ang hirap din sa kalagayan ko dahil pinangakuan ako na mapo-promote ako.Akala ko, okay la'ng lahat. Akala ko, makakaya ko pa siyang tiisin, pero no'ng sinubukan na niya 'kong harrass-in, do'n na 'ko nagising sa katotohanan. Nando'n na 'yong mga hipo niya, nasa dibdib ko na. Madalas, may mga nakakakita pa sa 'min. Ayun 'yong nagbibigay siya sa 'kin ng mga biro na naasiwa na ako. Paulit-ulit. Parami nang parami.
'Di ko makakalimutan no'ng na-corner niya ako sa banyo no'ng nag-OT na kami at pilit niya 'kong hinalikan. Nanlaban ako nang sobra, pero puro pananakot 'yong ginawa niya sa 'kin. Do'n na 'ko napuno, sinipa ko siya sa gitna niya, hayop siya.
'Tapos, siya pa 'yong playing victim sa 'ming dalawa?!
Pumikit ako nang mariin bago huminga nang malalim. Kinuha ko 'yong tissue sa bag ko 'tapos nagpunas ako ng luha ko. Namalayan ko na lang na nasa roof top na pala kami ng hotel kung nasa'n kami ni Raven ngayon.
He stood beside me. He was just silent all the time I was crying. Talagang hinayaan niya lang akong umiyak.
Nakakahiya. Ako pa 'yong gumawa ng eksena, eh, sa kaniya naman 'tong dinaluhan naming event.
Binalingan ko na siya. "I'm sorry."
Feeling ko, ang pangit ko sa harapan niya ngayon. May mga bakas pa 'ko ng luha sa gilid ng mata ko. Pero nakakapagtaka na nagagawa pang bumilis 'yong kabog ng dibdib ko ngayong natitigan ko siya nang ganito.
His eyes were full of emotions right now. May awa, may galit, may dismaya at may isang ayokong... ayokong pangalanan. I might be aching to know all of it, pero 'di na puwede. Kung ano man 'tong nararamdaman ko, invalid na lahat.
"You don't apologize for the things that have made you feel upset, especially for what happened a while ago." basa kong gusto niyang itanong sa 'kin lahat nang sinabi sa 'kin ni Ian kanina. Ni hindi ko nga alam kung ano'ng narinig niya sa buwisit na 'yon, pero alam niya ring 'di ako magsasalita, kaya nagpipigil din siyang magtanong.
Tumango ako. "Pero magso-sorry pa rin ako, attorney, dahil event mo 'to—"
"Wanna go home?"
Napaawang 'yong labi ko do'n sa sunod niyang tanong. Parang may kumurot sa dibdib ko no'ng tinanong niya kung puwede na kaming umuwi. Bigla kong nakita sa isip ko 'yong bahay niya. Way back then, ang pala saya namin pareho. I was contented with his presence, with his silence, with his smell, and with his warmth. Lahat nang 'yon, lagi kong ni-lu-look forward kapag siya 'yong kasama ko.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...