Chapter 5

700 35 4
                                    

Chapter 5

Naiinis

Nag-aral ako nang maigi para sa recit na naudlot dahil nga, nahimatay ako. Hanggang ngayon, kapag naalala ko pa rin 'yong nangyari, parang gusto ko na lang mawala. Nakakahiya na nahimatay pa 'ko sa kalagitnaan ng recit. At sa harap pa talaga ni Sir Vergara.

"Oh."

Inabot ko kina CJ at Cara 'yong pambayad sa field trip nila. Nanlaki kaagad 'yong mga mata nila. Na-realize yata ng dalawang 'to kung para saan 'yong pera.

"W-wala na tayong pera, ate." Parang nahihiya pa si Cara kasi hindi siya makatingin sa 'kin.

Nginisihan ko nga. "Meron pa kaya tayong budget! Nagtitipid lang talaga ako nang husto, ano ba kayo?"

Tinitigan lang ako no'ng dalawa. Wala man lang nagsasalita kaya tumawa na 'ko.

"Isipin n'yo na lang na hindi natin kailangan si Glenda sa mga buhay natin para maka-survive."

Kaya gagawin ko ang lahat, mai-provide ko lang sa kanilang dalawa 'yung mga pangangailangan nila... kahit na manghina pa 'ko 'tsaka magutom. Alam ko kung ga'no nila pareho pinaghihirapan ni CJ iyong magkaroon ng magandang standing sa school. Hindi na nga halos natutulog 'yang dalawang 'yan kaka-review at kakatrabaho, makatulong lang sa pambayad ng mga gastusin.

Kaya kahit na mahirap, kakayanin ko para sa dalawang 'to. Worth it iyong mga luha na nakikita ko sa mga mata nila.

Marami pang kailangang isipin pero sa ngayon, masaya na 'ko dahil sa wakas, hindi kailangang magsakripisyo nilang dalawa.

"S-salamat, ate."

Sinubukan man ni Cara na maging pormal 'yong boses niya, hindi niya rin nagawa kasi namumula na 'yong mga mata niya.

Tumawa na lang ako 'tapos nag-offer ako sa kanila ng isang mainit na yakap. 'Tong mga 'to...

Naghanda na ako para sa klase ko kinabukasan. Pagkapasok ko pa lang sa klase para sa isang major namin, halos makakapanapak na 'ko ng mga tao dahil naririnig kong ako 'yung pinag-uusapan nila.

"Ano kaya 'yong ginawa no'n, ano, kaya nahimatay?"

"Baka buntis?"

"Hala, 'di nga?!"

"Hindi pa ba halata? Mukha siyang buntis kasi ang putla niya. Baka, may kinakalantari na?"

"Eh, wala naman 'yang boyfriend dito."

"Wala nga. Eh, kung nasa labas?"

"Ay! Oo nga, ano?"

"'Tapos, foreigner pa, 'no? Mana sa nanay. Kung sino-sino 'yong pinapatulan, basta, foreigner."

"Ay! Sinabi mo pa! Sabi nga sa 'kin ni mama, iba-ibang foreigner 'yong nagiging asawa no'ng nanay niya---"

"Problema n'yo sa mga buhay ko?"

Tinaas ko 'yong mga kilay ko habang naka-krus 'yong mga braso sa dibdib ko sa grupo ng mga babaeng inggit na inggit sa 'kin.

Ayos din 'tong mga 'to, ah. Parang may mga meeting. Nakapalibot 'yong mga upuan nila nang pabilog 'tapos nakaupo sila ro'n at wala nang inatupag kundi pag-usapan 'yong buhay ko. Hindi yata kayang mabuhay nang walang masagap na chismis sa buhay ko.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon