Chapter 32
Toxic
Ang lalim na ng gabi no'ng nakarating na kami sa Coastal. Malayo pa lang, rinig ko na 'yong malakas na hampas ng mga alon. Ang sarap sanang magtampisaw ngayon. Gusto ko lang magtampisaw nang walang katapusan dahil gusto kong kalimutan si Glenda... 'yong mga sinabi niya... 'yong mga balak niya na ako pa 'yong gagawin na kasangkapan niya para makuha niya 'yong gusto niya kay Raven.
'Yong hangin galing sa dagat, nanunuot sa balat ko, kaya ramdam ko 'yong lamig. Pagkaupo ko na ro'n sa buhangin, medyo nangisay pa 'ko. Saglit lang naman. Dahil si Raven? Nagdala pala ng jacket, 'di ko man lang napansin.
"Thank you," pagkasabi ko no'ng pinatong niya 'yong puting jacket sa balikat ko. Pinilit ko pang ngumiti dahil gusto ko kahit do'n man lang, masuklian ko siya sa lahat. Sa lahat ng kabaitan niya sa 'kin.
Pero mali pala ako.
Dahil naging malungkot 'yong mga mata niya no'ng matitigan ko siya. May kung ano'ng kumirot sa dibdib ko pagkakita ko.
Nakakainis.
Ngayon na nga lang kami nagkita, ganito pa 'yong nangyari. Ang bigat ng atmosphere.
Gusto ko lang naman siyang makasama ulit. Nang mas matagal. Pero bakit ganito? Bakit ang sakit ng lahat?
Pareho kaming nakatingin sa malayo. Naririnig pa rin namin 'yong malakas na hampas ng alon. Hula ko, mga maghahating-gabi na rin kaya ganito kalamig. Ang payapa pa.
Sana, ganito na lang kami. Wala akong problema. Walang kulang sa 'kin. Wala akong ibang iniisip na mabigat kapag kasama ko si Raven.
Dahil ang gaan sa pakiramdam kapag nagmamahal ka nang walang atubili... Ang sarap sa pakiramdam na kapag nakikita mo 'yong taong mahal mo, masaya ka.
Normal pa ba 'yong ganitong pakiramdam na mayro'n sa 'kin?
"I'm sorry," sabi ko pagkahinga ko nang malalim.
Pagkatingin ko sa kaniya sa tabi ko, 'di ko inasahan na ngumiti pa siya.
"That's, I guess, the sixth times you said it."
"Kasi kailangan mo 'yon."
"And I said it's okay."
Umiling ako. "'Di okay 'yon. H'wag kang mag-adjust dahil may pagkakamali ako, Raven." 'Yong ngiti sa labi ni Raven, nawala na. "Ayoko 'yong parati mo 'kong naiintindihan. Sabihin mo rin 'yong mali o ayaw mo sa 'kin, Raven, ha?"
Tinungo ni Raven 'yong ulo niya saglit. Nag-angat din siya 'tapos huminga pa nang malalim. Pinaghugpong niya 'yong mga daliri niya 'tapos diretso 'yong tingin na niya sa dagat. "Do you know... why I like you?" tahimik ko lang siyang tinignan. "Because you're strong. I really hate how confident you were back then. But seeing you right now here... hearing those words from you? You just... make me like you... this hard."
Ang lakas ng ihip ng hangin sa dagat. Pero 'yong mga salita ni Raven sa 'kin? Mas malakas.
"Alam mong... ang pangit ng pagkatao ko."
"What's love then when you don't love the ugly parts?" napaawang 'yong labi ko. "You always tell me your life is ugly. Who doesn't, Joaquin Ysabella? Everyone of us has its own ugly parts. But what's amazing beneath it? We're doing things to make it better... at least." Ngumiti siya. "You're doing great each day, Joaquin Ysabella, that's why I'm always proud of you... not only as your boyfriend, but also as your former professor."
Sumikip kaagad 'yong dibdib ko. "Kainis." Ang hapdi kaagad ng mga mata ko! Lokong Raven, ang bilis naman nitong paiyakin ako! Napapahid tuloy ako sa mga mata ko!
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...