Chapter 49
Ikakasal
Parang tumigil 'yong mundo ko pagkatapos niyang banggitin na may sakit siya. Hindi kaagad makapag-proseso 'yong utak ko. Para niya akong sinampal para mabingi ako.
Mas malakas nga lang ngayon.
Napatitig ako sa mga mata niya na puno ng pait at sakit. Nakangiti man siya, pero nando'n yong emosyon na 'di ko aakalaing makikita ko sa kaniya—panghihinayang.
"Sabi ng doctor ko, may CKD ako, stage 3..."
Habang patuloy siyang nagkukuwento, parang 'di ko makuhang mahabag? O kahit masaktan man lang ako sa mga narinig ko sa kaniya. Dapat maramdaman ko 'yon, eh, dahil nanay ko siya. Dapat, ang unang maramdaman ko, matinding awa at pagkahabag sa sitwasyon niya. Kaso, wala akong makapang gano'n sa dibdib ko.
"Bakit mo sinasabi sa 'kin 'yan? Ano'ng intensyon mo?"
Napahinto siya sa pagsasalita sa gulat habang ako, nakaangat na ng tingin sa kaniya at nakataas pa 'yong kilay ko.
Not meant to be harsh, but I could not just deny the fact that this woman, who happened to be my mother, ruined my life so much.
Maawa naman ako, kaso, kapag naalala ko 'yong mga ginawa niya sa buhay naming magkakapatid, nagiging manhid ako; walang pakialam sa kung ano mang buhay na meron siya.
Kahit awa, wala.
Napabuga na siya ng hangin 'tapos natawa pa. "Intensyon? Ano'ng intensyon na pinagsasabi mo?"
Nakita ko pang bumakas sa mga mata niya ang sakit. Talagang nasasaktan siya?
"Wala? Wala kang intensyon?" naging sarcastic ako habang nakataas pa 'yong kilay ko. "Hindi puwedeng wala. Dahil alam kong kaya ka lumalapit sa 'kin dahil gusto mong ako ang sumagot sa bills mo. Nagpapaawa ka para makahingi ka sa 'kin ng pera. 'Di ba, ganiyan ka naman?"
That's where I hit the buttons. Parang 'di pa siya makapaniwala na sinabi ko 'yon, eh, halata namang 'yun 'yong talagang dahilan niya?
Bumagsak na 'yong mukha niya. "Joy, 'di iyan ang intensyon ko." pati boses niya, naging basag.
"Eh, ano?"
"Gusto ko lang naman na makasama ko kayong mga anak ko," kahit na medyo hirap siyang magsalita, nagawa pa rin niyang sabihin sa 'kin 'yon nang may diin.
Maniniwala ba 'ko?
"Alam mo, Glenda, sa mga ganitong sitwasyon, dapat, naaawa ako sa 'yo, eh. Kaso, 'di ko magawa. Ikaw rin kasi 'yong may kakagawan nito," pagsumbat ko na. "Isipin mo, sa tagal ng panahon na nangulila ako sa pagmamahal ng isang ina, ni minsan, 'di mo man lang 'yon pinaramdam sa 'kin—sa 'ming magkakapatid?"
"Ano'ng hindi?" she looked at me unbelievably. "Sinubukan kong maging ina kay Cara at CJ! Inalagaan ko sila pagkatapos mong lumayas!"
"Ano'ng inalagaan?" napakuyom pa 'ko sa kamay kong nanginginig na sa galit. "Muntik nang ma-rape ng hayop mong biyenan si Cara! Si CJ, walang pahinga sa construction, mabigay lang 'yong huthot ng anak mong panganay!"
Ilang breathing exercise na 'yong ginawa ko para mapakalma 'yong sarili ko. Nagpupuyos 'yong dibdib ko sa galit habang tinitignan ko nang masama ang babaeng 'to. Hanggang ngayon, kaya pa rin niyang magsinungaling!
"Ano'ng sinasabi mo? Pinalagaan ko 'yon kay Sabel dahil nagtratrabaho ako. Magco-college na no'n si Cara kaya kailangan kong makaipon—"
"Bakit? Akala mo ba, kay Cara napupunta 'yong mga binibigay mong pera? Kung 'yan talaga 'yang sinasabi mo, eh, totoo?"
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...