Chapter 24
Birthday
"Are you alright?"
Pilit 'yong naging ngiti ko kay Raven. Hindi ko kayang maitago 'yong inis ko sa mga nangyari pagkatapos malaman ni Glenda na Vergara si Raven. Nakita ko 'yun. 'Yong pamilyar na kislap sa mga mata niya tuwing malalaman niya na 'yong lalakeng makikilala niya, may sinabi sa buhay.
At hindi ako natutuwa sa biglang pagbait ni Glenda no'ng nalaman niya 'yong impormasyon na 'yon... hindi maganda 'yong kutob ko rito, sa totoo lang.
"Puwede ba tayo rito, Raven?"
Natulala na agad no'ng makita ko 'yong gustong kainan ni Glenda. Racks.
"Sure po."
Narinig ko agad 'yong pagpalakpak ni Glenda. Ang bilis nga niyang pumasok sa loob, eh. Nakakainis. No'ng susundan na siya ng boyfriend ko, mabilis ko ring hinila si Raven. 'Yong mukha niya, puno na ng pagtataka no'ng binalingan niya ako.
"Raven." Sumeryoso ako. "Ano man ang sabihin sa 'yo ni Glenda, ano man 'yong hingin niya sa 'yo, utang na loob, h'wag mong ibibigay."
Napakurap siya. "What?"
Huminga ako nang malalim. "Pasensya ka na... pero ito 'yong pangit na yugto ng buhay ko. Sana, maintindihan mo."
Tumango na siya pagkatapos niya akong pagmasdan saglit. "Alright. Just tell me if I go overboard so I'd know where to stop."
Tumango rin ako. Pinilit kong ngumiti dahil nag-aala na siya. "I'm sorry. Dapat, maayos na date nating 'tong dalawa. Nangyari pa 'to."
Napasimangot ako sa pagpisil niya ng pisngi ko. Malambing naman. "You don't have to. Remember when you told me before that you have an awful relationship with your mother? I understand. I know also that it's hard for you, but I'd like to thank you for giving me the opportunity to know the woman who birthed you."
Napangiti na ako nang malungkot. "Sorry talaga."
"Stop it, okay." Mabilis niya akong hinalikan sa noo. "I don't want you to be sad. It's our date, remember."
Huminga na ako nang malalim bago tumango sa kaniya. Oo nga naman. Dapat, hindi ako malungkot.
Kaso, bumagsak na dapat 'yong dapat bumagsak no'ng nagulat ako sa kakaibang ngiti ni Glenda.
"Raven, in-order ko na kayo ng pagkain, ha. Ang tagal n'yo kasing dalawa," bungad ni Glenda pagkapasok namin sa loob. Nakita namin siya na prenteng-prente 'yong pagkakaupo sa table na ni-reserve niya sa 'min. Parang kaniya na 'yong Racks base sa kung paano niya sabihin 'yong demands do'n sa waiter. Nakita ko pa kasi 'yong pag-uusap nila bago umalis 'yong waiter para i-take 'yong order niya.
"Ako po 'yong magbabayad ng in-order n'yo," pangunguna ko. Gusto kong malinaw sa kaniya na ako ang lahat ng gagastos dito dahil walang kinalaman si Raven sa buhay naming dalawa. H'wag nga siya riyan.
"Ano, Joy?" ang drama ng pagkakabigla ni Glenda sa sinabi ko. Lalong nakakairita. "Bakit ikaw?"
"Dahil ako ang anak n'yo?"
Natulala kaagad siya, 'tapos nanahimik. Ang sarap irapan, pero ayoko namang mag-away kami rito. Kaya panay 'yong paghinga ko nang malalim dahil kailangan kong mag-isip nang maayos.
Pagkaupo ko sa tabi ni Raven, naramdaman ko kaagad 'yong pagpisil niya sa kamay ko. "Your hand..." napabaling ako sa kaniya pagkabulong niya sa tainga ko. "...it's shaking."
"Okay lang ako."
"You sure?"
No'ng pagkatango ko, nagtaka ako. Umimpit kasi ng tili si Glenda. "Ganiyan na ganiyan din kami, Raven, ng papa ni Joy."
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...