Chapter 21
Like
"Raven, mamaya pa 'yong tapos ng practice namin."
Sandali muna akong nag-excuse kay Raven 'tsaka binati 'yong ibang models dito sa RECO. Nakaka-stress naman 'tong rehearsal namin ngayon! Nagsimula na kasi 'yong sa MRE project kaya katakot-takot na practice 'yong kinakaharap namin. Akala ko nga, 'di na tuloy 'tong project na 'to kasi ang dami pa raw na arte no'ng may ari ng Montenegro. Ngayon naman na tuloy, inaapupong na kami dahil kailangan daw, makapag-shoot na kami no'ng product at gumawa ng advertisement tungkol do'n!
Na-stress talaga ako!
Mabuti na lang, pahinga namin sa school dahil may event na naman. Minsan, ang bait ko kay Lord dahil hindi masyadong nagsasabay 'yong activities sa school at dito sa RECO.
Kaso, kapag nakikita ko na 'yung schedule ko, parang gusto ko na lang maging patatas.
"All right. Do you want me to pick you up? O didiretso ka na sa inyo?"
Kinagat ko 'yung labi ko. Ang lambing kasi no'ng boses niya. Napapapikit ako 'tapos nawawala 'yong pagod ko. Parang na-recharge na ulit ako.
"Baka, dumiretso na lang ako sa 'min."
Kahit na minsan, gusto ko siyang makita, hindi puwede. Hindi nagsa-swak 'yong schedule namin ngayon. At no'ng sinabi ko na intense 'yong nire-review niya sa BAR niya, hindi ko na siya iniistorbo. Gusto ko kasing mag-focus si Raven sa goal niya, na maging isang abogado. Ang dami na niyang hirap na pinagdaanan do'n. Kaunting tapak na lang, kaunting tiyaga at puyat pa, makukuha na niya 'yong lisensya niya.
"'Di kaya masyado nang madilim kapag natapos na kayo?"
"'Di naman. Puwede naman ako magpahatid kay Billy sa terminal."
"Ah."
Parang ang tagal niyang nanahimik, ah? "Sige, Raven, babalik na kami sa practice."
"Okay."
Sungit. Wala man lang dugtong 'yong okay niya? Nagkibit-balikat na lang ako. Nagsimula na kami sa rehearsal namin. Hindi pala namin masyadong kailangan mag-effort dito dahil nga, bahay 'yong kailangan namin i-brand.
Kaso, dahil nga pala MRE 'to, kailangan maging perfect in all angles 'yong pose namin, gaya nang sabi no'ng coach namin.
"Naku, frenny, wala na muna yata tayong party-party. 'Daming locations na kailangan kang mag-shoot!"
"Oo nga."
Kailangan ko na rin palang ayusin 'yong schedule ko, kung gano'n. Baka, mapa-absent ako nito. Sa'n kaya 'yong location no'ng shoot? Baka dumalang 'yong pagkikita namin ni Raven.
"Frenny."
Nagtaas ako bigla ng kilay dahil kakaiba 'yong ngisi ni Cris. "Bakit?"
Parehas kaming huminto sa tapat ng building ng RECO para maghanap na ng Grab.
"Blooming tayo, ah? Kayo na ba?"
Napairap na ako. Alam ko naman 'yong tinutukoy niya. "Kailangan ba, updated ka?"
Ang arte na niyang napahawak sa dibdib niya na parang nasasaktan pa nga. "Ang sungit, frenny, ha." Tumawa na siya. "Panay kasi 'yong babad mo sa cellphone mo. Nakaka-hurt nga kasi wala ka nang time sa 'kin."
"Ano'ng tawag mo rito?"
"Sandali lang naman 'to, frenny, eh." Nakakairita naman 'yong pagsimangot nito, eh. "Dapat, magkaro'n tayo one day ng bonding!"
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...