Chapter 22

383 20 0
                                    

Chapter 22

Kiss

At pagkatapos ng gabi na 'yon, kami na nga ni Raven. Pagkatapos ng isang buwan niyang panliligaw sa 'kin.

Hindi ko alam kung mabilis ba na sumagot ako o kung ano... kasi para sa 'kin, bakit ko pa patatagalin, kung do'n na rin naman hahantong ang lahat? 'Di ba? Ginawa ko lang na manligaw siya para lang makita kahit papa'no kung sino pa siya lalo. Alam ko naman na mas makikita ko pa 'yong kulay niya kapag naging kami na. At mas lalabas 'yong mga problema kapag nagsama na kami.

Gusto ko lang din maranasan kung pa'no manligaw ang isang Raven Vergara. At ngayong naranasan ko na nga, wala akong ibang masabi kundi ang gastos! Lalo pa na naging kami, kaloka.

"Frenny, sa'n ka gogora?"

Halos mapatampal ko na 'yung noo ko dahil nakita ako ni Cris. Hindi ko sinabi kay Raven na half-day lang kami sa RECO dahil nag-meeting lang kami sa magiging tema no'ng photoshoot namin para sa MRE at kung saan 'yong location namin. Kukunin pala 'yong isang subdivision na pagmamay-ari ng mga Montenegro rito sa Alabang... 'tapos do'n na sa Maestranza. Akala ko, pupunta kami ng Manila dahil kapag nangyari 'yon, baka kailangan kong makontak si Glenda dahil walang magbabantay sa mga bata... kaso kapag naiisip ko 'yang idea na 'yan, kinakabahan ako.

Hinintay ko munang makahabol sa 'kin si Cris bago ako nakasagot, "Pupunta ako sa Starmall, bibili lang ako ng maluluto ko, mamaya."

Wala pa nga pala siyang alam na may isang linggo na rin kami ni Raven. Hindi ko naman kailangang ipamalita, 'di ba?

"Talaga? Sama ako."

Napairap na ako kasi nginusuan pa niya ako. "Wala ka bang lakad?"

"Meron, kaso mamaya pa raw 'yong ka-date ko."

Natawa na ako kasi nagpa-cute pa siya. May matching palagay pa siya no'ng buhok niya sa tainga niya.

"Sige." Baka naman, papunta na 'yong ka-date niya bago pa matapos 'yong pinamili ko.

Buong biyahe, wala nang ibang ginawa si Cris kundi sabihin na namimiss na niya ako at literal na wala kaming bonding. Naisip ko rin naman 'yon. Minsan nga, naiisip kong naging harsh din ako rito kay Cris, pero heto pa rin siya, nandito lang sa tabi ko at sinusuportahan ako sa lahat ng kalokohan ko.

"Cris."

"Yes?"

"Bumili ka ng gusto mong damit. Libre ko."

Halos lumuwa 'yong mata niya no'ng sinabi ko 'yun. 'Sus, wala naman 'yon kompara sa tulong na ibinigay niya sa 'kin. Kundi dahil sa kaniya, wala akong part-time job na susuporta sa 'ming magkakapatid. Kung wala siya, 'di ko malalaman ang RECO, si Billy, si Nancy, si Maddox at Pearl. Kaya malaki 'yong pasasalamat ko sa kaniya. Kulang pa nga 'yon, kung tutuusin.

Maarte niyang pinunas 'yong pekeng luha sa gilid ng mata niya. Inirapan ko nga. "Salamat talaga, frenny. May gad! Kinakabahan ako diyan sa pagiging mabait mo, frenny. Mangungutang ka ba? Naku! Papangunahan na kita, wala akong pera."

At sa buong pagwi-window shopping namin sa Starmall, wala na siyang ginawa kundi magdaldal. Sige na, araw naman niya. Pabayaan ko na nga.

"Thank you talaga rito, frenny! Kinikilig talaga ako. "Bait yarn!"

"Ika-isangdaang beses mo nang sinabi 'yan. Welcome na nga."

"Gosh! May pamalit na si bakla sa date ko mamaya!" luminga na siya sa paligid. "Ay, wow. Mamimili ka ng fudang?"

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon