Alia's Note: Advance chapter can be accessed on my Patreon account: Aliaxxx. Just subscribe on my account and pay 1$ for you to be my Patron! I'm gonna update twice per week on the account plus you can also read my special chapters! I'm gonna update (if not today, tomorrow) the Special Chapter of Tricked.
Thank you!
----------------
Chapter 30
Interesado
Ang tagal kong nakatulala kay Glenda. 'Yong mga sinabi niya, para 'yong sigaw na dumidemonyo sa isip ko na 'di matanggap ng buong kaluluwa ko na sarili ko pang ina 'yong makakaisip nang gano'n!
Tumawa ako. Ang sarcastic pa no'ng tawa ko kasi pota! Pinapasakit niya 'yong dibdib ko! Ano'ng kahangalan na naman 'tong balak ni Glenda?! 'Di talaga 'ko makapaniwala sa kaniya!
"Bakit mo 'ko tinatawanan?!"
"Dahil 'di ko na alam kung sa'n n'yo pa napupulot 'yang iniisip n'yo, 'ma!"
Nakita kong nanigas 'yong dalawang bata sa pagtaas ng boses namin ni Glenda, pero wala muna akong balak maging mahinahon ngayon. Hinahabol ko 'yong paghinga ko sa galit, sa lungkot, at sa disappointment habang matalim akong nakatingin sa kaniya dahil wala na yata siyang alam na pakinabang sa mga anak niya kundi kami 'yong maging solusyon sa problema niya at do'n ako naiiyak sa galit!
Humugot ako ng isang malalim na paghinga. Tinignan ko siya nang diretso. "Si Raven po, boyfriend ko," ang klaro ng pagkasabi ko sa kaniya. "Hanggang do'n lang 'yong posisyon niya sa buhay ko. 'Di ko siya bangko."
"Ano'ng pinagsasabi mo?!" napaatras ako sa pagtayo na ni Glenda. Nagsisimula nang mamula 'yong mukha. 'Yong tuhod ko, nangatog saglit no'ng pandilatan niya ako.
"'Di po 'ko lalapit kay Raven." Huminga ulit ako nang malalim. "Babayaran ko rin po 'yong utang n'yo sa credit card. Mabagal man, pero babayaran ko, lahat-lahat."
"Bakit mo pa papahirapan ang sarili mo kung nandiyan naman 'yang boyfriend mo? H'wag kang tanga, Joy. Ano, wala tayong pakinabang diyan? Aasawahin mo lang nang ganiyan? 'Di mo gagamitin 'yang pera ng boyfriend mo? 'Tsaka, ano'ng sinabi mo? 'Di mo siya bangko?" natawa pa siya. "Baka mamaya niyan, kapag naging kayo na, kakainin mo rin lahat ng sinasabi mo?"
Nagpapanting na 'tong tenga ko sa lahat ng sinasabi niya. Mas lalo akong 'di makapaniwala sa kaniya. "Napaka... unreasonable mo na, 'ma," nanunumbat na 'ko.
"Ako pa rito 'yong unreasonable?!"
"Dahil iba 'yong nakikita n'yo kay Raven sa nakikita ko!"
"H'wag mo 'kong sigawan, bastos ka!"
Pota! Nabubulag na 'ko sa sarili kong mga luha, pero kailangan ko pang tapangan sa harapan niya. Ang diin ng pagkakakuyom ko sa kamao ko, mapigilan ko lang 'yong sarili ko na h'wag pang sumabog lalo!
"'Ma, may pangarap ako, 'di n'yo ba nakikita?" mabilis kong pinunasan 'yong mga luha kong ang bilis bumagsak. "Tinuruan n'yo 'ko mula pagkabata na maging independe. Na 'di kami aasa sa inyo dahil panay 'yong sabi n'yo sa 'min, dapat kaming matuto na tumayo sa sarili naming paa. 'Ma, kahit na hirap na hirap na kami, kinakaya namin. Pero 'di n'yo 'yon nakikita kasi bakit? Pinapabayaan n'yo na kami dahil sa mga lalake n'yo---"
Natulala ako sa paglapat niya ng palad niya sa pisngi ko. Mabagal akong napalingon sa kaniya, bumibilis pa 'yong pagbagsak no'ng luha ko. Sinampal niya ako. Nang dahil lang doon.
"Wala kang karapatan na parangalan ako sa mga desisyon ko sa buhay dahil anak lang kita!"
Humikbi lang ako sa harapan niya. Maging si Cara, naririnig ko nang umiiyak. Nakakadurog ng puso. Kanina, ang saya nila dahil sa mga regalo ni Raven, ngayon, nagdurusa na sila dahil sa pagtatalo namin ni Glenda.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...