Chapter 14
Proud
"Uy, ano? May progress na ba?"
Tinaasan ko ng kilay si Yllena. "Ano'ng progress ka diyan?"
"May progress sa inyo ni sir."
Makahagikhik 'to. Ano nama'ng akala nito? Na may something sa 'min ni sir?
"Puwede ba, nag-aaral lang kami?"
"Duh!" inirapan ako ng bruha. "You can't just tell me you both studying. Ano, buong araw kayo nag-aaral?"
"Ayan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga katulad mong advance mag-isip."
Inirapan ko nga. Ba't ba ganito 'yung pinag-iisip ng mga taong nasa paligid ko? Ano ba'ng akala nila sa 'kin, madaling magkagusto sa lalake?
"And hindi umuunlad ang mga babaeng katulad mo kasi hindi ka lumalandi. Pinapalagpas mo 'yung pagkakataon. Grasya na, in-ignore mo pa. May gad, Maria Joaquin Ysabella!"
"Wow, ha!"
Bruhang Yllena, tinawanan pa 'ko?! Ang daming oras nito ngayon, ah, kaya pasama-sama na siya ngayon sa 'kin sa canteen. Si Donita lang 'yong hindi namin kasama.
"Nasa'n nga pala si Donita?"
"I-I can't take what her family wants in on her."
Nawala 'yong ngiti ko no'ng sumeryoso 'yong boses ni Yllena. Naamoy ko 'yung problema.
"Bakit?"
"Her family forbids her to see Justice. Even us. Pinalalayo siya no'ng mga kapatid niya sa 'tin."
Napataas ko 'yung kilay ko. "Bakit pati sa 'tin?"
"We're bad influencer."
"Wow."
At saang part kami naging bad influencer? Hindi ko ma-gets! Hindi ba nila alam na hindi na namin nakikita si Donita?! Lalo na 'ko personally, kasi busy na 'ko sa trabaho 'tsaka sa pamilya? Kaya saang banda na na-bad influence namin siya?!
"Oh, oh, just calm down, 'beb. Para ka namang manunugod diyan sa hitsura mo."
"Kasi, hindi ko sila ma-gets!"
"Huy, kalma."
Napairap ako kay Yllena. Napapaypay ako sa sarili ko kasi nakakabad-trip! Kami ba 'yong dahilan kaya nagka-gano'n 'yong anak nila? Besides, may choice 'yong anak nila na piliin si Justice. Alam naman siguro ni Donita 'yong tama 'tsaka mali. Kung ayaw nila kay Justice, bakit hindi nila i-explain nang maayos sa kaniya? Sagot ba 'yung papalayuin si Donita sa 'min?!
"Kaya tayong may maayos na love life, we should grab the opportunity to be happy!"
"Ah, kaya pala ang saya mo."
"Of course!"
Napaawang 'yong labi ko no'ng itinaas na niya 'yong pala-singsingan niya.
"Engaged ka na?"
"Yes! Do'n sa lalakeng ipapakasal sa 'kin."
"And it's okay for you?"
"Oo naman!" inalis na niya 'yong kamay niya. "I'm planning to settle down after we get married."
"Ayaw mong i-pursue mo muna 'yong career mo? Balak mong maging journalist, sabi mo, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
Ficción GeneralSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...