Chapter 1

881 27 4
                                    

Chapter 1

Confidence

"CJ, paki-check kung nakasaksak pa lahat ng appliances. Cara, h'wag mong kakalimutan ang susi, ha."

Pagkatapos kong maghugas ng mga plato, naabutan ko 'yong dalawa na nakapang-bihis na sa uniform nila. Nagpaalam si CJ na aalis na sila ni Cara kaso 'tong si Cara, napasimangot 'tapos sinungitan pa niya 'yong kuya niya kasi balak pa niyang mag-ayos. Parehas tuloy akong tinignan no'ng dalawa kasi tumatawa ako sa kanila. Alam ko naman na kahit nag-aasaran silang dalawa, halata naman na concern silang pareho sa isa't-isa. Matindi ring maglambingan 'yang dalawa na 'yan.

No'ng umalis na sila pagkatapos magpaalam sa 'kin, napabuga ako ng hangin at nagseryoso. Dumiretso ako sa maliit na study table at umupo sa swivel chair na binili ko sa nagbebenta ng mga upholster.

Palipat-lipat kami ng tinitirhan. Ang totoo, itong apartment na tinitirhan namin, dito lang kami nagtagal nang kaunti. Maliit lang 'tong nirerentahan namin. Pagbukas pa nga lang ng pinto, bungad na kaagad 'yong double deck naming kama. Sa ilalim ng double deck 'yong higaan ni CJ. Ako ro'n sa baba tapos sa taas si Cara. Sa likod no'ng kama, CR na namin. Tapat no'n 'yung sink, 'tapos kusina na. Sa harap ko 'yung maliit naming TV na tinawad ko pa sa surplus sa Paseo.

Kaming tatlo la'ng nakatira sa bahay na 'to. Kani-kaniyang diskarte kung paano makokompleto 'yong pagkain nang tatlong beses sa loob ng isang araw. Ako 'yung humahawak ng expenses sa apartment kasama pati araw-araw na pangangailangan namin. Ang kagandahan dito, kasama na sa binabayaran naming upa 'yong bayad sa kuryente at tubig. Iyon nga lang, may oras 'yung paggamit. May curfew, kumbaga. Kaya bago pa sumapit ng alas-diez kasi 'yon ang cut-off, tinitiyak namin na naka-charge na lahat o may stock na kami ng kandila dahil nag-aaral pa rin 'yong dalawang bata. Okay na rin. Kesa naman na mawalan pa kami ng matitirhan at mag-inarte ako.

Si Cara, gumagawa siya ng assignments ng mga kaklase niya during breaktime at pati free-time niya na walang pasok. Malaki kasi'ng kita niya ro'n. Ganiyan din kasi ako noon at diyan talaga ako nakaka-survive. Si CJ naman, nag-a-assistant sa isang maliit na Internet shop sa malapit. Tuwing pagkatapos ng klase, diretso kaagad 'yon sa shop para magbantay. Pinapalitan niya kasi 'yong may-ari sa hapon. Siya naman ang tumatao buong araw kapag walang pasok. Ako naman, manikurista at pedikurista. Minsan naman, kapag kailangan ng serbisyo ko sa pagme-make-up, sinasagad ko na at sinisingit para lang pandagdag kita na rin.

Wala kaming inaasahan na magkakapatid kundi kami rin lang. Kailangan naming magsipag nang husto at kumayod para lang may pangtustos kami sa pang-araw-araw. Para rin makabayad sa land lady namin na hindi ka lang makabayad do'n sa renta ng isang buwan, grabe na kung magparinig sa 'min na halos kutyain na 'yong pagkatao namin.

Kinuha ko na 'yong notebook ko na listahan ng mga bayarin namin. Oo nga pala, malapit na naman 'yong bayaran no'ng upa. Ang bilis naman ng araw. Problemado na naman ako nito kung sa'n makakahanap ng pambayad ng upa.

Lagpas na sa kalagitnaan 'yong buwan at wala pa kami sa kalahati 'yong naiipon naming pambayad. Mukhang kailangan ko na namang mag-OT sa parlor, ah?

Nilapitan ko na 'yung kanina pang umiingay kong cellphone. Pagkakita ko ro'n sa pangalan no'ng nanay ko, parang gusto ko na lang ipatong 'tong cellphone ulit tapos iwanan ko. Dedmahin ko. Kaso, dahil 'mabait' akong anak, sinagot ko na. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. Ramdam ko kasing hindi na naman magaganda 'yong lalabas sa bibig ko kapag kausap ko 'yong nanay ko.

"Po?" bungad ko. Hindi uso sa kaniya makipagkumustahan kasi hindi naman niyan kami kinukumusta ever since.

"How's my beautiful Joy?" lasing 'yong tono ng boses niya. Umagang-umaga.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon