Chapter 3
Focus
"One point for me!"
Ang lakas ng halakhak ko habang kinukuwento rito kay Donita 'yong victory ko laban sa magaling kong substitute professor!
Iyong 'supportive' ko namang kaibigan, aba, hindi man lang ngumingiti! Hinayaan ko na lang kasi alam ko naman na ganiyan talaga siya 'ka-supportive' sa 'kin.
"Alam mong walang nakatutuwa diyan sa mga sinasabi mo, tama?" pinanliitan pa niya 'ko ng mga mata.
"Ano'ng wala? Meron kaya! 'Ba, siya yata ang source of motivation ko ngayon. Kita mo naman, na-amaze si 'sir' sa 'kin. 'Ba! Gumanda ang mood ko, kasi alam kong alam niyang hindi ako basta-basta!"
Ang saya ko lang habang pinagmamalaki sa kaibigan ko na nagawa ko ring humanga sa 'kin si 'sir.' Dapat lang, ma-realize ni sir Vergara na hindi ako basta-basta!
Humigop muna si Donita ng mainit na sopas bago magsalita, "Trip mo talagang asarin si sir Vergara, ha?"
"Eh, siya naman kasi 'yong nagsimula. Tama ba naman na pahiyain niya 'ko sa unang araw pa lang ng klase niya? Ayan, pakitaan ko siya kung gaano ako katalino. Tameme tuloy siya ngayon."
"Talagang sobrang proud ka pa?" napailing siya. "Pa'no kung maisipan ni sir Vergara na i-expel ka dahil diyan sa ginagawa mo? Pa'no na lang 'yong standing mo na scholar ka?"
Sinandal ko 'yung likod ko sa monoblock. Napangisi ako, mapaglarong tinignan si Donita.
"Hindi naman niya siguro gagawin iyon."
"Pa'no mo naman nasabi?" tinaasan niya 'ko ng kilay.
"Wala lang. Naisip ko lang."
Inirapan na niya 'ko. "'Loka ka talaga, Joy."
Kahit na sinusungitan ako ni Donita sa mga kapilyahan ko, hindi ko naman maikakaila na siya 'yong sa mga kaibigan ko na for keeps. Naging magkaklase kami ni Donita no'ng highschool. Dahil siya lagi 'yong nabu-bully dahil sa mahiyain at pagiging tahimik niya, do'n ko siya nakilala. Gusto niya kadalasang mag-isa, na sa totoo lang, gusto ko rin naman dahil ayoko na may nabubuo akong relasyon sa ibang tao.
Nag-click naman kami, I must say. Nagsimula kaming maging close no'ng nagkaro'n kami ng baby thesis sa Filipino. Sabi sa amin no'ng teacher namin noon, kami na lang daw 'yong maghanap ng kapartner. Eh, that time, wala yatang planong pumartner sa kaniya, so ako na 'yung nagkusa. Nangilag pa nga siya noon sa 'kin kasi ako ba naman daw ang partner niya. E, sobrang maldita ko raw. Hindi ko naman akalain na gano'n pala ako katapang.
Bukod sa kaniya, kaibigan ko rin si Yllena Yuchengco. Sobrang yaman no'n, grabe. Pa'no, nasa angkan ba naman siya ng mga negosyante sa buong bansa. Pero, hindi ko naman ramdam 'yon sa kaniya. Napaka-humble pa rin. Loka-loka nga lang, minsan.
Silang dalawa lang 'yong mga naging totoo kong kaibigan hanggang ngayon. Para ko na silang kapatid. T-in-treasure ko talaga sila.
Ang bilis lumipas ng mga araw. Sa sobrang bilis, lalo akong nangangamba dahil hindi ko na naman makontak si Glenda.
"Hindi ko na talaga makontak 'yang nanay n'yo."
Naiirita na 'ko habang sinasabi ko 'yun sa dalawa kaso nakakapagtimpi pa 'ko.
"Nanay mo pa nga rin kasi 'yun."
Sinamaan ko ng tingin si CJ na tuwang-tuwa pa rin na inaasar ako kahit na problemado na kami.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...