Chapter 39

616 26 7
                                    

Chapter 39

Crucify

Narinig ko ba 'yon nang tama?! Nag-alala ba sa 'kin si Raven?!

Maalala ko nga, kasi sinusubukan kong maalala kung sa'n niya 'ko nakitang bumili ng junk foods. Naalala ko pa no'n no'ng sinabi ko kay Raven na on-diet ako 'tapos—

'Dyusko, gusto ko nang matapos 'tong tatlong buwan na 'to! Feeling ko, ang tagal ng mga araw na lumilipas 'tapos parang 'yong tatlong buwan ko rito, tatlong taon. Kung ano-ano na tuloy 'yong naiisip ko!

"Are you alright?" napakurap ako no'ng nagtanong sa 'kin si Aliana. Pota! Kanina pa ba 'ko tulala?!

"Oo naman." ang bilis kong tumango para 'di niya tingnan 'yong mukha ko kasi pakiramdam ko, parang kamatis na 'yong mukha ko sa pula! Kainis na Raven. Hanggang ngayon, nanunuot 'yong malamig niyang boses sa tainga ko!

That conversation had made an effect on my entire system and I knew that it wasn't right. 'Di talaga tama. Kakaganito ko, ako lang din 'yong mahihirapan. Ako lang 'yong masasaktan.

Ano ba kasi'ng pumasok sa kukote ko't hinayaan kong magtrabaho ako rito sa VVM?!

"By the way," napalingon ulit ako kay Aliana. "We're planning to celebrate your second month here. We hope you're gonna appreciate it."

"Ha?!" nawala kaagad 'yong pagiging lutang ko. "Bakit may pa-ganiyan pang effort?!"

Bahagya naman akong napahiya sa pagtawa ni Aliana. "So, Raven really expected you to react like that, huh?"

Nangunot 'yong noo ko sa kaniya. "Ha?"

Iling lang 'yong naging sagot ni Aliana. "Anyway, yes. But in the meantime, we need to work. Raven needs to read these position papers." sinulyapan ko na 'yong naka-imbak sa printing area na mga pile ng papel. "He put an all-nighter last night that's why he looked sleep-deprived."

Itigil ko nga 'tong pag-iisip ko! Masabihan pa 'ko nitong ang assume-ra ko naman. Ang kapal naman talaga ng mukha ko talaga!

'Di naman sinasadya, pero sandali akong napasulyap kay Raven na kalalabas lang galing ng kuwarto niya habang busy siya sa pagbabasa ng mga papers na hawak niya. Saglit na nakatuon 'yong mga mata niya sa binabasa niya, 'tapos kakausapin na niya si Aliana na may hawak ding maraming papers kagaya niya.

Habang tinitignan ko siya mula rito, 'di ko maiwasang mapahanga sa kaniya. Matagal ko naman na siyang kasama, kahit papa'no, pero iba talaga kapag nasa professional demeanor si Raven. Ang guwapo niyang tingnan sa paningin ko lalo na kapag nagsasalita na siya ng tungkol sa batas. He looked so passionate, na para bang dito talaga siya hinubog para humusay at maging magaling.

Dati pa naman, hinangaan ko na siya. Professionally, I was always in awe of him, pero sa ibang bagay?

Hindi.

Nakaraan na 'yon, hindi na dapat lumilikot 'tong imahinasyon ko, kaso, 'di nakikisama.

Mabilis kong iniwas 'yong mga mata ko no'ng titingin na sa 'min. God, para akong na-heart attack sa biglang pagpalpitate ng puso ko! Pota, iwas-iwasan ko na ngang mag-isip nang kung ano-ano!

"Hey." mabuti na lang, nandito si Aliana, kaya nababaling ko sa iba 'yong atensyon ko. "Did you really understand what I told you a while ago?"

Alin ba ro'n?

"Ay, oo naman," pagsagot ko naman. "Pero, kailangan ba talagang pag-effort-an 'yon? 'Tsaka, reliever lang naman ako."

"So, you don't have plans of staying here, huh?"

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon