Chapter 6

702 28 3
                                    


Chapter 6

Job

Hindi ko inaasahan na magiging demanding ako sa industry na 'to. Hindi naman ako makahindi kasi kailangan ko ng pera 'tapos masyadong tempting pa 'yong compensation.

Ang daming pumapasok na projects!

"Joy!"

Nilapitan ako ni Cris na masaya. Nagpapapuno pa 'ko ng tubig sa plastic cup. Nakaramdam ako ng uhaw after no'ng shoot na ginawa namin. Tuluy-tuloy 'yong naging pictorials ko sa Penshoppe at mukhang nagustuhan nila iyong mga kuha ko para ro'n sa outfits nila. Sabi pa nila sa 'kin, i-re-recommend daw nila ako as model nila kapag may mga panibago silang projects sa RECO. Mas lalo tuloy akong sinipag. Sana, hindi bola.

Tinaasan ko siya ng kilay pagkatapos mapuno ng malamig na tubig iyong baso. Umayos na 'ko ng tayo.

"Bakit?"

Nagtaka kaagad ako sa laki ng ngiti ni Cris. "May project ka na naman ulit. Napili ka, frenny, na model para sa isang sikat na local brand!"

Yes!

Nagtitili na kaagad ako sa harapan ni Cris! Diyos ko, 'yong puso ko, nag-uumapaw sa sobrang blessing!

Sandali lang naman ako naging gano'n kasi ang dami nang chismosang tumitingin sa amin.

"Thank you, Cris---"

"Crizza nga, girl!"

Arte!

Inirapan ko nga. "Oo na, Crizza, thank you."

Tinawanan pa 'ko kahit na bored iyong boses ko?!

"Don't bother. Ikaw rin naman 'yong reason nito, eh. Kaso..."

Lito ko na siyang tinignan. "Ano?"

"Part-time mo lang' to, frenny. Medyo worried na ako kasi in-demand ka na."

"Hindi pa naman. Marami pang mas magagaling sa 'kin, 'no."

"Whatever."

Aba, inirapan pa 'ko.

"Point is, dumarami na 'yong projects mo. Tinatanggap ko naman 'yung kayang mag-fit-in sa schedule mo. Though, sinasabi ko naman sa RECO na nag-aaral ka pa, kaso, gusto 'ata nila na ikaw iyong i-suggest sa mga client. Okay lang ba sa 'yo?"

Ininom ko na lang 'yong natitirang laman ng tubig sa plastic cup. Ang hirap kasing sagutin no'ng tanong ni Cris. Kaya ko pa naman sigurong i-juggle 'yong oras ko rito at sa pag-aaral. Hindi ko lang alam kung makakaya ko pa ba lalo na, kaliwa't kanan na 'yong projects ko.

"Ate, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Cara.

Katatapos lang namin kumain at heto ako, kailangang habulin 'yong mga na-miss kong subjects lalo na 'yong mga assignments. Nakakadala na kasi 'yong nangyari kay Mister Vergara...

Sa pagkakataon na 'to, sinigurado ko talaga na kasama ako sa mga GC's para lang maging updated. Kahit na ayaw ko naman sa mga ibang kaklase ko, kailangan ko pa ring gawin dahil na wala akong choice. Aminado naman akong ni-left behind ko 'yung mga minor subject para lang ma-accommodate 'yung demands ng part-time ko ngayon. Okay na rin iyon kaysa naman affected 'yong major subjects ko. Mas Malala 'yun.

Next sem siguro, magbabawas na lang ako ng loads... o 'di kaya kunin ko muna 'yong medyo lesss toxic na load para hindi ako mahirapan.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon