Chapter 48

252 12 3
                                    

Chapter 48

Sakit

Parang tumayo lahat ng balahibo ko—hindi sa gulat kundi dahil sa takot. Mas pinili ko na lang na itago ko 'yong reaksyon sa pagyuko ko at binilisan ko 'yong lakad ko dahil gusto ko siyang lagpasan at ayoko talaga siyang makita— dyusko, makita ko pa lang 'yong mukha niya, kinikilabutan na 'ko! Ang bilis-bilis ng paghinga ko dahil gusto kong kontrolin 'yong namumuong galit sa isipan ko. 'Yong pamilyar na kabog sa dibdib ko, namuhay ulit!

"J-Joy!"

'Yong galit na nilimot ko sa mahabang panahon, nabuhay na naman. 'Yong pamilyar na bigat sa dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya, ramdam ko na naman.

Pagod na pagod na akong makaramdam nang ganito! 'Yong mga mata ko, nangingilid na. Nanginginig ako. Bakit na naman siya bumalik?!

"Joaquin Ysabella."

Binalingan ko si Raven pagkarinig ko sa kaniya. Sinundan niya pala ako nang 'di ko napapansin. Do'n na ako kinabahan. Baka... baka maulit na naman 'yong nangyari—

"Please know that I'm here if you need me. I'm not gonna say anything. I'm just here."

Kinagat ko na lang 'yong labi ko kasi babagsak na 'yong luha ko.

"Let's go?"

Alam kong napansin niya, kaya 'di na ako nagtaka nang hinigit na niya ako papasok ng elevator.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya no'ng tuluyan nang umagos 'yong luha ko. I was still shaking in nervousness. Nanumbalik lahat ng trauma ko mula pagkabata, 'yong takot ko na baka kunin na naman niya 'yong mga kapatid ko, 'yong pakiramdam na manghihingi na naman siya sa 'kin nang kung ano-ano para mapunan ko lang 'yong pangangailangan niya.

Lahat nang 'yon, nagpapasukan sa utak ko.

Tahimik lang akong umiiyak at tahimik lang din akong minamasdan ni Raven na nasa harap ko. Bumalik lang ako sa huwisyo nang tumunog na 'yong floor ng unit ko.

"Do you wanna go inside?"

"Raven, payakap naman."

Pagkaangat ko ng tingin sa kaniya, natigilan siya. Saglit lang naman, dahil lumambot din 'yong mukha niya pagkatapos.

"You don't need to ask me."

Niyakap ko kaagad siya nang mahigpit. Napaluha na naman ako. "Sorry, Raven."

Ginantihan niya 'yong yakap ko. "For what?"

"Sumulpot na naman si Glenda. Gugulo na naman 'yong buhay ko—"

"Don't think about that—"

"Pa'no kung paghiwalayin na naman niya tayo, Raven?! Pa'no kung kunin na naman niya sa 'kin 'yong mga bata?! Pa'no kung maulit na naman 'yong noon? Pa'no kung may gawin na naman siya?! Ayoko nang mangyari 'yon!"

Iniisip ko pa lang, pumipintig na 'yong puso ko sa kaba at takot. Ang dami kong naiisip na puwedeng mangyari!

"Hush, Joaquin Ysabella. Nothing's gonna happen, okay?"

Nahimasmasan na lang ako pagkarinig sa kalmadong boses ni Raven. He even caressed my back which made me go back to my senses. Nanginig na naman ako at napaiyak dahil nakakainis! 'Di ko man lang napigilan 'yong emosyon ko!

Napatango ako bago nag-angat ng tingin sa kaniya. "Sorry, ang hina ko talaga," ang sinabi ko sa kaniya sa gitna ng pagsinok ko.

Umiling siya. "No. I don't see you as that. You're strong for me, Joaquin Ysabella."

Bumuhos na naman 'yong luha ko sa mga mata ko. Nangako akong 'di makikita ni Raven 'yong ganitong eksena ng pamilya ko, pero sa pagkakataon na 'to, gusto kong magpasalamat dahil nandito siya. Kumakalma 'yong isip ko dahil alam kong nandito siya.

Fearless - Less Series # 2 - JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon