Chapter 18
Sorry
"Sorry, Raven, kung pinatayan kita ng tawag."
Panay 'yong sorry ko sa kaniya habang naglalakad dahil sa nangyari kanina. Kinakabahan lang ako, baka ma-misinterpret niya 'yong ginawa ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung pa'no at sa'n ako nakakuha ng lakas ng loob na pagsalitaan sila nang gano'n... galit na galit na yata ako kanina na nagdilim na 'yong paningin ko at nakapag-bitaw na 'ko sa kanila nang gano'n.
Gusto ko na lang din batukan 'yong sarili ko kasi ano ba 'yung gusto kong patunayan dito? Ang kapal pa ng mukha ko na tawagan si Raven sa harap ng mga walang-hiyang 'yon... pinatulan ko pa? Ang babaw ko na, aminado na 'ko. Ang galing ko rin talaga. Nagpadala naman kasi ako sa galit ko.
"It's fine... are you okay? Did they do or say something on you?"
Automatic kong kinagat 'yung labi ko. Alam ko kasing hindi ko na naman mapipigilan 'yong sarili ko na makapagsalita nang kung ano-ano... ayokong madamay rito si Raven. Sobra na 'yong kahihiyan na binigay ko sa kaniya. Ibigay ko naman sa kaniya 'yong decency.
"Wala naman."
Nai-imagine ko nang hindi siya maniniwala sa 'kin, pero okay lang. Mas maigi na 'yon kaysa marinig niya 'yong pagra-rant ko sa mga narinig ko sa mga walang-hiyang 'yon. Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako dahil inakusahan nila akong nagchi-cheat?! Kung hindi ako anak ng isang puta, cheater?! Ang kakapal ng mga mukha!
Huminga ako nang malalim. Naiiyak na naman ako sa frustration.
"Do you need my help?" seryosong tanong niya.
Umiling ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Hindi."
At wala akong planong hingin 'yong tulong niya dahil sobra-sobra na 'yong pang-aabala na ginawa ko sa buhay niya... hindi deserve ni Raven 'yong ganitong kagulong buhay dahil sa 'kin.
Napabuga siya ng hangin. "I won't be seeing you around for this week, but if you need for my help---"
"Hindi ko kakailanganin 'yon, Raven." Huminga ako nang malalim. "Much better kung hindi muna tayo mag-usap."
Hindi kaagad siya nakasagot sa sinabi ko. Tanging 'yong mahabang radio silence lang 'yong narinig ko.
"Fine." Napabuga siya ng hangin. "Take care always."
Palilipasin ko lang 'tong linggong 'to. Gagawin ko ang lahat. Napasubo na 'ko, kaya sige, mag-aaral talaga 'ko nang mabuti.
Sa sobrang dilim na yata ng paningin ko, hindi ko na napansin 'yong pagtawag sa 'kin ni Yllena. No'ng nilingon ko siya, hindi ko maiwasang mainggit. Punung-puno siya ng vibrance... mukhang walang problema 'tong babaeng 'to. Sobrang perfect din kasi ng buhay niya...
"What's up?"
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Napabuga ako ng hangin. "Naputol 'yong pisi ko sa mga kaklase ko sa Consti. Masyado silang affected dahil may 'relasyon' daw kami ni Raven at cheater daw ako," may pagkasarcastic 'yong kuwento ko.
"Mga tao talaga." Naiiling siya. "They can't even find peace without dragging other people down."
"Masaya yata sila sa gano'n."
"So, what's gonna happen?"
Tinignan ko siya. "Kailangan kong i-perfect 'yong exam sa Thursday."
"Seryoso ka diyan?!" nanlaki na 'yong mata ni Yllena na parang mas kabado pa sa 'kin. "Si Ma'am Cuevas 'yon, 'be!"
Naiintindihan ko naman 'yong tono ni Yllena. Naging teacher din naman kasi niya si Ma'am Cuevas. At hindi 'yon basta-basta nagbibigay ng exam na madali lang. Malupit din 'yon kasi walang multiple choice at puro definition, identification at enumeration 'yong type ng exam niya.
BINABASA MO ANG
Fearless - Less Series # 2 - Joy
General FictionSa murang edad, natutunan na ni Joy Perez na kumayod nang husto upang kumita ng pera dahil alam niyang hindi na niya maasahan ang kaniyang ina. Nagkaroon siya ng layunin na mabigyan ng magandang buhay ang mga nakababatang kapatid, kaya kahit na nahi...