Chapter 1

76 4 0
                                    

Napabuntong hininga si Magi, bago napasulyap sa relo niya. It's 11:30 in the morning. Pakiramdam ni Magi ang bagal ng oras ngayon, dahil kung siya ang nagsasalita sa harap ng mga estudyante niya ay parati siyang nabibitin sa lesson niya.

Muli siyang napabuntong hininga. This time, mas malakas. Kaya dalawa sa estudyante niya sa harapan ang napatitig sa kanya.

Ang babae na nasa centro nakaupo ang nakatitigan ni Magi. Agad siyang nakaramdam nang pagkabalisa noong hindi kumurap ang estudyante niya, she felt like her student was judging her. Nakikita ba nito na may pagbabago sa kanya? Nararamdaman kaya nito na may dinadala siyang kalungkutan at suliranin?

Napalunok si Magi, at siya na ang unang umiwas. Kunwari nagpatuloy siya sa sinusulat niya, kunwari busy siya--- kunwari okay lang siya.

Ngunit napansin ni Magi na nanginginig ang kamay niya na may hawak ng ballpen. Kaya agad niya 'tong binitawan.

"Miss Panginlaw, are you okay?"

Agad napaharap si Magi sa klase niya.

Pero tanging ang estudyante lang na nakatitigan niya kanina ang nakatingin sa kanya, while the rest were still occupied with their reading.

"Yes Michelle, I'm fine," Magi said.

Bumuka ang labi ni Michelle. Nang biglang tumunog ang alarm ng cellphone ni Magi. Hudyat 'to na tapos na ang pagbabasa ng mga estudyante. Ito na ang nakasanayan ni Magi sa kanyang Literature class. Ang magbabasa sila for forty five minutes, thrice a week. Ikaw na ang bahala kung ano ang gusto mong babasahin basta may approval lang 'to at pasok sa genre na napili niya.

Maririnig mo ang paghinga ng malalim ng mga estudyante, meron ding agad na nakipag kwentuhan sa katabi nila.

"Miss Panginlaw," tawag ng estudyanteng si Timothy sa likod.

"Yes, Timothy?" si Magi.

"I need to go to the rest room, Miss. May I go out?"

"Later, it's almost 12 noon..."

"But Miss..."

Bago pa muling makasagot si Magi ay muli niyang nahagip ang mga mata ni Michelle. This time, nakagusot ang noo nito.

Muling kinabahan si Magi. Galit ba 'to sa kanya? Mali ba ang sinagot niya kanina? Dapat ba pinapunta na lang niya si Timothy sa rest room? Pero kilala niya si Timothy, mahilig 'to magbanyo at matagal pa bumalik pagpinayagan.

"Michelle, is there something bothering you?" finally tanong ni Magi. Kahit ang gusto lang naman sana niya na tanong ay kung bakit kanina pa siya tinititigan nito.

"Nothing Miss..." Bago 'to na busy sa desk niya.

Alam ni Magi na nagsisinungaling 'to pero wala din naman siyang balak na pigain 'to. Instead feeling niya sign 'to na kailangan niya pang mag-effort sa harap ng klase niya. Kailangan pa niyang kapalan ang maskara na suot niya. Iyong hindi nila dapat mahahalata na may pinagdadaanan siya ngayon. Dahil natatakot siya na baka may magsumbong sa kanila sa principal na matamlay siyang magturo. Tiyak niya malalagot siya dahil sa strikto nilang principal. The worst is baka ma fired pa siya sa trabaho.

So Magi forced a smile. "Okay class, I'll dismiss you in five minutes..."

The class interrupted in celebration before she could finish her sentence.

"Calm down," she tried to raise her voice.

"Sssshhh!" sabi ni Michelle habang nakatayo at nakaharap sa mga kaklase niya.

Kaya biglang tumahimik ang class.

Sabay nang pag-upo ni Michelle ang pagpula ng pisngi ni Magi. Diba dapat siya ang gumawa nito? Diba dapat sa kanya sila nakinig? At hindi kay Michelle.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon