Napabuntong hininga si Pina noong pagkababa nila sa troso na sinakyan nila. Alam ni Magi na hindi 'to masaya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatagpuan ang orihinal nilang troso. They never gave any explanation why it suddenly disappeared, and never naman na curious si Magi na alamin 'to.
Because she's more interested sa tela na itim na nasa pagmamay-ari niya ngayon.
Palihim na tinapik ni Magi ang tela sa loob ng bulsa ng uniform nila na puti. Kagabi pa lang ay napagpasyahan na niya na siya na mismo ang tutuklas kung sino ang nagmamay-ari ng itim na tela.
"Maglinis na tayo!" masayang anunsyo ni Dayday habang kinukuha na nito ang mga gamit nila na iniwan nila sa ilalim ng ugat ng isang malaking puno.
Muling napabuntong hininga si Pina. Mula kanina ay hindi pa dumudungaw ang ngiti nito sa kanyang pisngi. "Wala namang pagpipiliian..."
"Halika ka na!" singit ni Dayday, bago tumitig kay Magi. "Doon na kami." Sabay turo nito sa kaliwa.
Bago pa makasagot si Magi ay hinila na ni Dayday ang kamay ni Pina, tapos sabay nang nagtatakbo ang dalawa patungo sa kaliwa.
Hindi gumalaw si Magi sa kinatatayuan niya habang nakatitig lang siya sa dalawa. Hanggang naglaho na sila sa paningin niya.
"Para troso lang..." Hindi siya makapaniwala na big deal kay Pina ang tungkol sa troso. Ano bang meron sa troso? Napailing si Magi noong palayo siya, at papasok sa bahagi ng kagubatan kung saan niya nakuha ang tela.
Tahimik gaya ng nakasanayan.
Kahit ang ihip ng hangin ay hindi mo maririnig.
Tanging si Magi lang ang nagbibigay buhay sa parang natutulog na kagubatan. Natigil siya. Ngayon lang niya napanisn na ni minsan ay wala pa siyang nakita na hayop rito hindi tulad ng kagubatan ng Mudah. Dito parang walang nabubuhay maliban sa mga puno at halaman. Ni walang insekto o langgam siyang nakita rito.
Ganito ba dapat?
"May mali," bulong niya. Dahil ayon kina Pina at Dayday ay may mga hayop rito.
Nang biglang nanlamig ang batok niya.
Bumilog ang mga mata niya. "Hindi kaya... walang hayop dito dahil sa mga nilalang na nakasuot ng itim. Dito kaya sila nakatira?"
Mabilis na umikot ang paningin niya sa ibabaw ng mga puno. She was ready to jump and run, if she saw the mysterious dark creatures again.
Pero wala siyang nakita kundi ang mga sanga na magkadikit sa isa't isa.
Mabagal na bumaba ang ulo niya, ang kaba sa dibdib niya ay nanatili. Ngayon nagsisi na siya kung bakit hindi niya tinanong sina Pina at Dayday kanina. Baka kasi alam nila kung sino ang mga nilalang na nakaitim.
"Paano kung kumakain sila ng..." Mabilis siyang napailing na parang kung gagawin niya 'to ay tatalsik ang mga naiisip niya. "Hindi dahil kung ganun... dapat wala na sina Pina at Dayday. Nandito pa sila at masaya sa trabaho nila."
Napakumo si Magi. "Dapat siguro hindi ko na aalamin ang mga bagay-bagay. Dapat sumunod na lang ako sa sinabi ni Binibining Ina. I have a role here. Iyon ang tiga linis sa kagubatan ng Bersah." She nodded. "Tama. Dapat maglinis na lang ako. The less I know the better."
Dinukot niya ang tela sa bulsa niya, bago tinitigan 'to. "Kailangan ko na 'tong itapon."
Umakto si Magi na ihahagis niya 'to, pero tumaas lang ang kamay niya at hindi niya 'to binitiwan. Sinubukan niya muli, this time mas mataas ang kamay niya para mas malayo niya 'to maihahagis.
Pero tumigil lang ang kamay niya sa ere.
"I think... itatago ko na lang muna ang tela." Before she could change her mind, ay mabilis na niya 'tong isiniksik sa bulsa niya. "Pero... hindi ko na uusisain kung sino ang nag mamay-ari nito." She nodded while she forced herself to smile. "Maglilinis na lang ako."
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasiSimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...