Isang masukal na kagubatan ang Bersah. Kung sa Kagubatan ng Mudah ay pantay ang height ng mga kahoy. Dito ay may pandak na hanggang bewang lang ni Magi. At may kasing taas na hindi na niya nakikita kung saan ang pinakadulo nito. May magkadikit na parang conjoined twin. May mataba at payat. At iba't iba rin ang tanda ng mga kahoy.
Feeling ni Magi, nakasakay pa rin siya sa troso. She almost collapsed, pero bigla siyang hinawakan ng matabang kamay ni Pina. "Magsimula na tayo."
Pilit tinuwid ni Magi ang sarili. "Anong gagawin natin dito?"
"Maglilinis," si Dayday sumagot.
Sabay ngumiti ang dalawa na parang excited manuod ng sine.
"Pero nasa gubat tayo?" si Magi.
"Alam namin!" napahiyaw si Pina. Bago tumakbo sa matandang kahoy na nakalitaw na ang makapal at malaking ugat nito. May kinuha 'to sa ilalim ng ugat. Tatlong kalaykay at mga sako. Excited na bumalik 'to sa kanila. "Tig-iisa tayo!"
Masaya na inabot ni Dayday ang para kay Magi. Wala ng choice si Magi kundi tanggapin ang kanyang sako at kalaykay.
"Doon ako sa kanan," si Pina. Bago 'to tumakbo.
"Ako naman sa kaliwa," si Dayday. Bago 'to tumakbo.
Tinawag 'to ni Magi, pero hindi 'to lumingon. Tuloy-tuloy lang 'to sa kaliwa hanggang naglaho na'to sa paningin niya.
"Anong gagawin ko? Maglilinis? Sa gubat?" They're out of their mind. Napatitig si Magi sa hawak niyang kalaykay at sako. "Anong lilinisan ko?" She didn't notice any litter--- tanging mga nahulog na sanga at layang dahon lamang ang nasa lupa.
Kaya hindi siya sumunod. Instead, naisipan niyang iiwan ang hawak niyang sako at kalaykay sa kinatatayuan niya. Bago pa siya tumulak sa unahan.
Malamig rito dahil walang araw na nakakarating sa ibaba ng mga puno. Kaya nagpatuloy siya kahit minsan may nakaharang na malaking sanga sa dadaanan niya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay nagsimula na siyang pagpawisan. She's starting to feel hot. So she stopped...
Naupo si Magi sa pinakamalaking ugat na pinakamalaki para sa kanya. Bago ginamit na pamaypay ang palad niya. Napatingala siya habang pinapaypayan ang leeg.
"Tubig. I need to drink," she said. Napalunok siya habang nag-iimagine na umiinom siya ng malamig na tubig. Pero wala siyang dalang tubig, ni hindi niya matandaan kung may dala ang mga kasamahan niya.
Napanguso si Magi. She found those two strange. "Napaka hyper ng saya nila... anong nakakatuwa sa ginagawa nila." Dito na siya nag-isip ng isang masayang bagay na gagawin. Ano kaya?
Pero wala siyang maisip.
"Ibang bagay na lang... iyong kahit hindi masaya basta hindi lang 'tong paglilinis sa Bersah. Tulad ng..."
Blangko ang utak niya.
Napapikit si Magi. "Ano bang ginagawa ko? Ito ba talaga ang trabaho ko? Pero kundi 'to, ano?"
Kumirot ang ulo niya sa kakaisip.
"Huwag ka nang mag-isip. Just relax... Mabuti pa matulog na lang ako." She smiled. Bago tumayo at bumaba sa inuupuan niyang malaking ugat. Naupo siya muli, this time nakasandal na siya sa kahoy. Tapos ay natulog na siya.
The wind was getting stronger and colder, but she was fast asleep to notice. Hindi rin niya napansin na mabilis tumakbo ang oras. Malapit ng magtanghalian.
May mga boses nang tinatawag ang pangalan niya.
But she didn't hear it.
Hanggang ang pangalan na lang niya ang maririnig mo na sinisigaw sa kagubatan.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...