"Magi, gising na."
Naririnig niya ang isang familiar na boses. Kaya bumuka ang mga mata niya. "Ikaw si... Mama!"
Her mother gently smiled. "Ako nga 'to."
"Buhay ka?" na excite ang boses niya, kaya napaupo siya.
"Magi..."
"Mama..." Niyakap niya 'to nang mahigpit at matagal. Ayaw na niyang bumitaw rito. Kung alam lang ng Mama niya kung gaano na siya kasabik na muli 'tong mayakap.
"Magi," malungkot ang boses nito.
Bumitaw si Magi. Dito nasaksihan niyang walang galak sa mukha nito. Kaya feeling niya binasag nito ang puso niya. "Mama, hindi ka ba masaya na kasama mo na ako?"
"Magi, magkakasama din tayo balang araw. Pero hindi sa paraan mo."
She couldn't understand any words that were coming out of her mouth. "Nandito na ako! Ito ang matagal ko nang gusto."
"Hindi sa paraan na ginawa mo."
Naalala ni Magi ang nangyari sa bahay niya. Isang gabi na pinasok niya ang kanyang bahay upang patayin si Iwa-agsi. Sa halip, naabutan niyang nagpakamatay 'to sa harapan niya.
"Magi, bakit mo 'yon ginawa?"
Hindi na siya kumukurap habang nakatitig sa Mama niya.
"Bakit ka nagpakamatay?"
Sumilip na ang luha sa mga mata niya. "Mama, ikaw ang nagpakamatay. Ikaw ang nang-iwan. Bakit mo 'yon ginawa sa amin?"
"Dahil pagod na pagod na ako sa nararamdaman kong sakit na araw-araw kong dinadala," nananamlay ang boses nito.
"Mama, alam ko ang pakiramdam na iyan dahil noong nawala ka iyan na lang ang nararamdaman ko araw-araw sa bawat pag gising ko."
"Magi," nanginginig na ang boses ng Mama niya. "Pasensiya, sa sakit na iniwan ko. Hindi ko 'to naisip. Ginuho ako ng damdamin ko. Patawarin mo ako, anak."
Dito na pumatak ang luha ni Magi.
Kaya niyakap siya ng Mama niya. "Magi, hindi pa huli ang lahat sa'yo. Bumalik ka."
Humiwalay si Magi sa Mama niya. "Huli na, Mama."
"Hindi pa..." Inabot nito ang kamay ni Magi. "Hanapin mo ang mga magpapasaya sa'yo. Huwag mong hintayin na darating ang ligaya sa buhay mo. Mabuhay ka ng masaya. Mabuhay ka kasama ang mga mahal mo."
Natikom siya.
"Pangako mo iyan, anak. Mabuhay ka ng matagal na matagal."
Hindi pa rin siya nakaimik.
"Tatanda ka kasama ang mga mahal mo."
"Pero huli na..." Naalala ni Magi ang ginawa niya. Sinaksak niya ang kanyang sarili sa puso. Mabagal na bumaba ang paningin niya sa kanyang dibdib.
Lumaki ang mga mata niya.
Ang dugo na inaasahan niyang makita ay wala rito.
"Magi."
Mabilis siyang napatitig kung saan nagmula ang boses.
"Mabuti at gising ka na."
Totoo ba 'tong nakikita niya? Nagusot ang noo niya. "Binibining Ina?"
"Ako nga." She smiled. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"
"Anong nangyayari?" She suddenly remembered, kausap lang niya ang Mama niya. "Nasaan si Mama?"
"Wala ang Mama mo rito."
Napailing siya. "Hindi. Kausap ko siya ngayon lang..."
"Magi, nasa Buhi Baru ka."
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...