Bumungad ang pagkagulat ni Binibining Ina noong makita silang dalawa, at kahit ngumiti pa'to ay hindi pa rin nagbago ang ekspresyon nito.
Pakiramdam ni Magi guguho siya sa kinatatayuan niya. Dahil feeling niya masasaksihan na niya ang tunay na ugali ni Binibining Ina.
At hindi pa siya handa rito.
"Ako ang may sala," bato ni Nita.
Napalingon si Magi rito. Pero hindi siya pinansin ni Nita. Instead, humakbang 'to palapit kay Binibining Ina. "Hindi ko nasara ang pinto kaya nakapasok si Sarah."
Napatitig si Binibining Ina kay Magi. "Bakit ka pumasok rito? Alam mo bang bawal ka rito?"
"Sabi ko nga bawal siya rito...."
"Nita, siya ang tinatanong ko," singit ni Binibining Ina.
Nanginig si Magi. Alam niyang hindi dahil sa lamig sa baba kundi dahil nasisilip na niya ang bangis ng pinunuo nila.
"Sumagot ka, Sarah," diin ni Binibining Ina.
"Nais sana kitang makausap." Napalunok siya dahil sa natutuyong lalamunan niya. "Kaya ako narito dahil nakita kitang pumasok sa pintuan. At hindi ko kasi alam na bawal ako rito."
"Gaano ba ka halaga ang sasabihin mo na kailangan mo akong sundan? At hindi mo na lang ako pinuntahan sa tahanan ko?"
Hindi 'to naisip ni Magi. Dahil hindi na siya makapaghintay na makausap 'to. Kaya kung parusahan man siya, she had only herself to blame.
"Humihingi ako ng tawad, Binibining Ina. Kasalanan ko 'to at hindi ni Nita," may pagmamakaawa ang boses niya.
Tumahimik si Binibining Ina.
Na dahilan kung bakit feeling ni Magi sasabog ang kalamnan niya.
"Nita," finally nagsalita si Binibining Ina na mas mahina ang boses, "iiwan mo kami ni Sarah."
"Bakit?" bato nito na parang tutol siya.
"Narinig mo ang sinabi ni Sarah gusto niya akong makausap."
Napalingon si Nita kay Magi. Hinihintay na magsalita siya.
Pero hindi na nakaimik si Magi.
"Sige na Nita, umalis ka na."
Hindi na naitago ni Nita ang reaksyon niya. Hindi siya masaya na pinapaalis na siya ni Binibining Ina at kakausapin nito si Magi. Pero sumunod pa rin 'to at iniwan silang dalawa.
Ninais ni Magi na siya ang unang magsalita pero naunahan siya ng kanyang kaba. Lalo pa't nahagip niya ang nakakalusaw na titig ni Binibining Ina.
"Sarah, alam mo ba ang tawag sa lugar na'to?" kalmado ang boses nito.
Napailing si Magi.
"Ang Bituka ni Batigan."
Nagusot ang noo ni Magi.
"Dahil nasa ilalim tayo ng simbahan. Ang simbahan ang ulo ni Batigan." She smiled. This time, bumalik na ang ngiti na nakasanayan ni Magi. "Sobrang tagal na ng lugar na'to. Pinagawa pa'to ng mga magulang ko."
"Para saan ang lugar na'to?" mahina ang boses ni Magi.
"Nakita mo ang tatlong lagusan. Ang sa kaliwa ang patungo sa bahay ko para madali na akong makauwi pagkatapos ng misa. Ang nasa kanan ay dating libingan ng mga namayapa na mga ninuno naming mga Mangin.
Kinilabutan si Magi na may libingan pala rito sa ibaba. Akala niya sa Kagubatan ng Cepat lang ang libingan nila.
"At ang sa gitna ay ang pinagbabawal na puntahan nino man."
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...