Lutang si Magi buong hapon. Kaya pinabayaan niyang magbasa ang mga estudyante niya. May iilang nagprotesta but she insisted, kaya wala na silang nagawa kundi ang sumunod. Dahil wala rin naman siyang magagawa--- dahil hindi pa rin niya makalimutan ang tagpo sa loob ng rest room.
She heard her called her Sarah.
Hindi siya pwedeng magkamali lalo pa't tahimik sa loob ng banyo. Napakumo si Magi habang tinititigan ang ugat sa kamao niya.
Bakit niya ako tinawag na Sarah? Si Sarah ay character sa book na binasa ni Michelle... HINDI AKO SI SARAH. The last four word she said it aloud.
Kaya sabay na nagsitinginan ang mga estudyante sa kanya. Hindi siya ang Supervisor rito, ibang section 'to. But tulad ng section niya, mapanuri sila na parang nahuhusgahan nila ang reaksyon niya.
Kaya mabilis siyang napayuko at nagbukas ng libro. She tried to read the words she's looking at, kahit wala siyang maintindihan. Pero hindi niya sinubukan na umangat ng ulo. Natatakot siya na baka nakatitig pa rin ang mga estudyante sa kanya.
Patuloy siyang nagbasa... nang bigla siyang nanlamig.
SARAH.
Napakurap siya, baka pinaglalaruan lang siya ng isipan niya. But when she opened her eyes--- nakikita pa rin niya na may nakasulat na Sarah sa libro.
Sa pagkataranta ay mabilis niyang sinara ang libro. At napasandal sa upuan niya. Dito na siya napatingin sa mga estudyante.
They were all staring at her.
Iba-iba ang ekspresyon nila, may naguguluhan, may naaaliw at may natakot.
Anong sasabihin ko?
In the end, naisip niya na hindi niya kailangan magpaliwanag. Kailangan lang niya umakto na parang walang nangyari. Kaya muli niyang binuklat ang libro. Sakto ang nabuksan niya ay ang pahina kanina.
This time, wala na siyang nakitang nakasulat na Sarah.
Ano bang nangyayari sa akin? Kundi ako si Sarah bakit natataranta ako kung nakikita ang pangalan niya? Kasalanan ko 'to, dapat pinayagan ko si Michelle na magpalit ng libro. Mukhang na stress siya, kaya pati ako na stress na rin.
Tumunog ang bell.
Last class na'to bago mag-uwian. Kaya mas excited at maingay ang mga estudyante. She noticed usually pag ganitong oras, mas nakakahinga na siya ng maluwag dahil isa na namang araw ang na survive niya. But not this afternoon, parang may nakadagan na bato sa dibdib niya. At alam na niya kung sinong pangalan ang nakaukit rito.
Napailing si Magi. Bago nagmamadali na kinuha ang gamit niya at lumabas sa class. She did it before the third bell. Narinig lamang niya ang third bell noong nasa hallway na siya pabalik sa section niya.
Sumalubong ang mga excited na mga estudyante palabas sa bawat room, feeling niya parang nasa isang malaking mall sale siya, buhay na buhay ang hallway. Maliban sa kanya, na pakiramdam niya nauubos ang hangin niya.
Matagal bago siya nakabalik sa room niya. And when she arrived it was empty except for Michelle.
May sinusulat 'to sa papel sa desk nito.
She hesitated to enter her room. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan. Dahil ba kay Michelle? Pero bakit? Kilala niya si Michelle, she's her student this year who sat in the front attentively. While she's not her brightest student, palagi naman 'tong present at mahilig mag recite. Kaya madalas niya 'tong mapansin. Or feeling niya 'to ang madalas na nakakapansin pag kinakabahan siya.
Naisip niya kaya siguro siya kinakabahan ngayon dahil tiyak na mapapansin nito na balisa siya. Kaya napagdesisyunan niya na hindi na muna pumasok sa room hanggang hindi nakaalis si Michelle.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...