Chapter 4

61 2 0
                                    

It was almost noon, lahat ng paper ay nasa mesa na ni Magi. Ito iyong report paper na pinagawa niya sa kanyang mga estudyante sa kanilang binasa na libro. Naghihintay na lang siya na tatama ang mahabang kamay ng orasan sa alas dose upang ma dismiss na niya ang kanyang class.

While she's waiting, tinapunan niya nang tingin ang kanyang mga estudyante. Karamihan ay nag-aayos na sa kanilang bag, excited na makaalis sa upuan nila.

Nangiti si Magi. Naisip niya na ganyan din siya noong nag-aaral siya. Kahit feeling niya it happened a long time ago, when in reality hindi pa naman 'to ganun ka tagal.

Napabuntong hininga siya. Sabay nang pag galaw ng orasan sa alas dose ng tanghali. Tumunog na ang bell ng school, hudyat na lunch break na.

Nag-uunahan nang tumayo ang mga estudyante ni Magi, at mabilis na nagpaalam sa kanya. Bago isa-isa na silang nagsilabasan.

Naririnig na ni Magi ang mga yabag at boses sa labas ng room niya. Kaya nagsimula na din siyang magligpit. Kinuha niya ang mga report paper at nilagay sa taas ng cabinet na malapit sa bintana. Tapos pinatungan niya ng pampabigat upang hindi 'to liparin kung sakaling malakas ang hangin sa labas. While the better option ay ilagay 'to sa loob ng cabinet, ay may tendency siya na makalimutan 'to kung hindi niya nakikita.

Sinara na niya ang ilaw at pinto ng classroom. Bago naglakad na sa hallway, na sa oras na'to ay tahimik na.

"Magi."

Napalingon siya sa pintong nakabukas.

Si Amy.

"Amy, anong ginagawa mo diyan?" She noticed she came out from the substitute teacher's room.

"Wala," sagot nito, "niyaya ko lang sana si Tony ng lunch."

Nagusot ang noo ni Magi.

Kaya nangiti si Amy. "Siyempre, bago siya baka sabihin na hindi tayo friendly. Pero sa classroom lang daw siya kakain dahil may i-sasabay pa siyang work."

Hind sumagot si Magi.

"Mukhang masipag si Tony. Sana hindi na bumalik si..." Biglang lumagapak sa pagtawa si Amy. "Paano kaya kundi na bumalik si Mae?"

"Nanganak lang siya, at hindi nag resign. Babalik si Mae sa next school year," si Magi.

"I know... pero malay mo..." Natigil siya noong napansin niya na nagsimula nang maglakad si Magi. "Hintay. Ano ba?! Ikaw talaga Magi, hindi mo ba nakita na cutie si Tony. Sayang naman kung umalis."

Nagkibit balikat lang si Magi.

Napailing si Amy. By now, nasasanay na siya sa usual reaction ni Magi, every time nagkukwento siya tungkol sa mga lalaki na natitipuhan niya. Feeling niya masyado 'tong manhid dahil mukhang walang interest 'to na makipag date o kahit man lang pag-usapan kung ano ang type nito sa isang guy. One week na since noong nag mall sila, pero madalang pa rin kung magkwento 'to sa kanyang buhay. Amy realized it would take some time for Magi to open herself up. At wala naman siyang plano na pilitin 'to. Naisip niya na marami silang time magkakilala at maging mas close pa. Lalo na at malapit na ang summer.

"Magi, any plan for this summer?" tanong ni Amy noong nakaupo na sila sa cafeteria sa school.

Pero hindi sumagot si Magi. Instead, nakasimangot 'to habang kumakain.

"Anong problema mo?"

"Ang tigas ng karneng baka," sagot ni Magi, "mahal pa... compare mo sa karneng baka sa kalenderia sa labas ng school. Cheaper but mas malambot."

Alam ni Amy na mas gusto ni Magi na kumain sa labas, kaya hindi niya tiyak kung talagang matigas ang karneng baka. She just wish na direkta nang sabihin ni Magi na ayaw niyang kumain sa school cafeteria. Instead na marami 'tong issue sa kinakain nito. Dahil she decided that as long as wala 'tong sasabihin ay hindi siya kakain sa kalenderia. Para kay Amy, mas comfortable sa cafeteria, malamig, spacious, malapit lang sa classroom nila, at affordable din naman rito.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon