Katatapos lang magtutor ni Magi sa dalawang magkapatid at pabalik na siya sa kanyang apartment. Feeling niya pagod na pagod na siya. Ang binti niya parang bibigay na, at mga likod niya parang tinutusok ng maraming karayom. At lahat 'to dahil naglinis siya pagkagising niya sa maliit niyang kwarto, nagdala sa labada niya sa laundry shop at nagtutor ng dalawang oras.
Tanghalian pa lang. Pero nais na lang niyang mahiga at matulog sa kama niya.
Papasok na siya sa apartment. Noong nakasalubong niya ang may-ari.
"Tiya Magi, kamusta ang pagtu-tutor mo?" usisa nito.
"Okay naman."
Tumango lang 'to. Noong na distract 'to dahil tumunog ang cellphone nito. She waited for a few minutes, pero nalibang na ang may-ari sa kausap nito sa cellphone. Kaya umalis na si Magi. Dumiretso siya sa dalagang nagtitinda ng mga pagkain dahil pakiramdam niya wala na siyang lakas upang magluto.
"Lola, dala ba ninyo ang inyong tupperware?"
Nanglumo si Magi. "Naku iha, naiwan ko sa taas. Magbabayad na lang ako..."
"Ako na."
Napalingon si Magi.
Si Flora. Nakangiti 'to sa kanya. "May dala akong mga tupperware. Iyang isa kay Magi iyan." Tinitigan nito si Magi. "Bumili ka na."
"Flora, salamat."
"Naku Magi. Nagiging ulyanin ka na," biro nito.
Pilit ngumiti si Magi.
Sabay na silang dalawa na nag-order, at sabay na rin na pumanik. Pagkadating nila sa unit ni Flora, ay bago sila magkahiwalay ay nagpasalamat muli si Magi rito. Bago tumulak na sa kanyang unit.
Pagpasok niya sa kanyang unit ay dala na niya ang tupperware na may laman na kanin, tinolang isda at ginisang ampalaya. Naghalo-halo na sila sa iisang lalagyan. Sa isip niya, kakainin din niya naman 'to lahat. At isa pa nahihiya na siya na makigamit pa sa ibang tupperware ni Flora.
Tapos nilapag na niya ang tupperware sa mesa na maliit na nabili niya kahapon. Kumain siyang nakatapat sa bukas na bintana. Upang kahit paano ay malayo ang titig niya.
Walang sigla ang maaninag sa mukha niya. Ngumunguya lang siya. Dahil familiar na sa kanya ang lasa ng ulam dahil umiikot lang sa iilang pagkain ang binibili niya. At kahit kung magluto siya ay ganun pa rin.
Natatakot kasi si Magi na kung kumain siya ng matataba na mga pagkain ay baka magkasakit siya. Lalo pa't ngayon matanda na siya. She knew she needed to take care of herself. Kaya nga kahapon din, dumaan siya sa doktor. Wala naman siyang sakit maliban sa kailangan niya ng vitamins. Na binili ni Magi na iniinom niya pagkatapos niyang mananghalian.
When she was done eating, nagtungo na siya labas upang maghugas ng kinainan niya. At dahil kunti lang naman 'to ay madali siyang natapos.
Bitbit ang nahugasan niyang kinainan at bagong refill na bottled water niya ay bumalik na siya sa kanyang kwarto. At uminom ng kanyang mga vitamins.
Finally, nakaupo siya sa kanyang kama. Sumandal siya sa unan niya habang pilit binabanat ang mga buto niya.
"Aray," bulong niya. "Ang hirap pala maging matanda. Ang dami mong bawal kainin, madali kang mapagod at kailangan mo pa ng vitamins."
Nagpahinga lang siya. Pero hindi niya namalayan na nakatulog na siya ng isang oras.
Pag gising niya ay feeling niya kulang pa ang pagpapahinga niya. Kaya nagbasa siya ng libro. She read for almost an hour, before her eyes felt heavy and tired.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...