"Magi, lalakad na kami," malungkot ang boses ni Amy. Feeling niya this was the end of their friendship kahit pa hindi sila naging ganun ka close. She still considered her as her friend. Naisip niya na sana ganun din si Magi.
Tumango si Magi. She just wanted to be alone.
"Magi, everything will be okay," Tony assured her.
Napatitig si Magi rito. Nanunuya ba'to sa kanya?
Pero seryoso ang ekspresyon ni Tony.
But Magi's not convinced. Dahil tiyak nang hindi na siya makakabalik next school year. Because she was fired. Pagkatapos noong nangyari between her and Michelle, idagdag mo pa ang sinapit ni Principal Generva ay hindi na siya nagulat sa kinahinatnan niya. Only it got worst, dahil she's fired kaya wala siyang good record sa school so it would be difficult for her to teach to another school. Her only other option ay maging full-time na tutor, at magwish na hindi malaman ng mga parents ng mga bata ang eskandalo na ginawa niya bilang teacher.
Umasim ang mukha ni Magi. Malakas ang kutob niya nakarating na sa parents ang ginawa niya. Dahil hindi na siya tinawagan ng dating bahay kung saan siya nagtu-tutor.
"Magi, If you need anything, call me, okay?" si Amy. She wanted to give her a tight and warm hug. Pero pumipigil sa kanya ang malamig na pakikitungo ni Magi na parang may ginawa silang kasalanan dito.
Tumango si Magi. Nais na lang niyang umalis na sila.
"Don't worry... if may mahanap ako na work na pwede ka. I will tell you agad," Amy continued.
Nagbibiro ka ba? I'm not asking for your help... I want you to leave me alone!
"Magi?" Kinabahan si Amy dahil naging matalim ang titig ni Magi sa kanya.
"Amy, let's give her some space," sabi ni Tony. Hinawakan niya si Amy upang lumayo na sila. Nagprotesta pa si Amy pero hinila na siya ni Tony.
Hindi umalis ang pagkatitig ni Magi kay Amy, but this time bumababa ang mga mata niya sa kamay ni Tony na nakahawak pa rin kay Amy. Halos hindi siya kumurap hanggang naglaho na ang dalawa sa paningin niya.
"Nakuha mo na ang gusto mo Amy. Ang maging regular si Tony. Kaya nga pinaalis mo ako sa school." Naalala niya ang sinabi ni Michelle na narinig nito na si Amy ang nagsabi na may tumatawag sa kanyang Sarah.
Napakumo ang dalawang kamay niya hanggang sumakit 'to.
"Galit ako sa'yo, Amy," nanggigigil ang bawat bitaw niya sa mga salita. "Anong gagawin ko ngayon? Paano ako mabubuhay?"
Naisip niya na tawagan ang ate niya, but what would she tell her? Sasabihin niya ang tungkol sa naririnig niyang boses at ang mga kakaibang nangyayari sa kanya? Tapos ano? Mag suggest na naman ang ate niya na magpatingin siya sa doktor.
Napailing si Magi. Wala siyang balak na pumunta ng doktor.
Dito na siya bumalik sa loob ng bahay niya. Diretso siya sa kusina upang uminom ng isang basong tubig. Baka sa paraang 'to kahit kunti mawala ang guilt niya. Dahil kahit ibuhos niya ang sisi kay Michelle ay alam niyang siya pa rin ang tunay na nagkasala.
"It's my fault." Sabay pabagsak na binaba ang baso sa sink. Pero dahil hindi siya nakatingin ay naipatong niya ang baso sa pinakadulo na bahagi. Kaya dumulas 'to at nagtutuloy sa sahig.
Agad napatingin si Magi sa nagkalat na bahagi ng baso sa paahan niya. Kaya naging maingat ang pag-apak niya. Kumuha siya ng basahan, bago pinulot ang mga bahagi ng baso.
"Aray!"
Nakita niyang mabilis na dumaloy palabas ang dugo niya sa hintuturo niyang daliri.
Humihinga siya ng malalim habang tinititigan ang sarili niyang dugo. Kinakabahan siya but at the same time, may nararamdaman siyang ginhawa. Parang ang kirot mula sa sugat niya ay bumabaon sa dinadala niyang sakit sa kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasiSimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...