It's a crazy idea, pero sa lahat ng mga natutuklasan niya. Sa isip ni Magi hindi siguro 'to ganun ka lala. Pinosisyon na niya ang sarili niya, umusuog siya sa likod hanggang naramdaman niya ang katawan ni Dayday.
Tapos bumitaw siya kay Pina na nasa harap niya. At nagpatinghulog siya sa kaliwa niya.
Gumulong siya na parang dahon na tinatangay ng hangin. Hanggang huminto siya malapit sa isang puno na manipis. Pagdilat niya feeling niya umiikot ang mundo niya. Habang nalalasan pa niya ang lupa na dumikit sa labi niya.
She decided to rest to collect herself. Bago siya napaupo ng ilang minuto. Hanggang mas naging mabuti na ang pakiramdam niya. May kunti siyang kirot na naramdaman sa tagiliran niya but it was something she could handle. Maingat siyang napatayo, nakatitig kung saan nagtungo ang troso. She was expecting they would notice that she's missing. Dahil tiyak niyang babalikan nila siya.
Kaya kahit wala siyang nakita na troso patungo sa direksyon niya ay umalis na siya pabalik sa Bersah.
Dahil marami pa siyang katanungan na hindi nasagot ni Deon. Kaya kailangan niyang makita 'to bago pa 'to makita ng mga Kapan.
Tumakbo na si Magi. Hindi ininda ang kunting sakit sa katawan niya.
Pagbalik niya sa Bersah ay tahimik na rito.
Napatingla siya sa itaas ng mga puno. Nagbabakasakali na mamataan niya ang mga itim na usok.
Pero wala siyang nakita.
Ang mga puno ay parang natutulog, ni ang pinakamanipis at maliit na dahon ay hindi gumagalaw.
Dito na napatitig si Magi sa kaliwa niya. Natatandaan niya na dito tumakbo si Deon kanina, pati na ang Kapan na sumusunod rito.
Huminga siya ng malalim bago napatakbo sa direksyon na'to.
Makapal ang dahon na nakapatong sa lupa. Pwedeng may malalim na bahagi na hindi niya nakikita pero walang panahon si Magi na isipin 'to. Nagmamadali na siya.
Nagiging mas dikit-dikit na ang puno sa lugar na'to kaya bumagal siya, but she noticed na may mga nabaling sanga sa lupa. Paglapit niya ay suspetsya niya natapakan 'to ng isang mabigat na tao.
"Si Deon," sabi niya.
Kaya sinundan niya ang sanga na sa tingin niya ay dinaanan ni Deon.
Once in a while, ay napapatingala siya, naninigurado na walang nakasunod sa kanya kahit sa ibabaw ng mga puno.
Pagbaba ng mga mata niya ay naramdaman na lang niya na nahuhulog siya. She didn't have time to scream because she's moving too fast. Mas mabilis pa sa paggalaw ng troso.
Nang bumagsak siya sa mala kama na dahon na nasa ilalim ng lupa.
Kaya wala siyang naramdaman na sakit. Pero ang puso niya parang kakawala sa katawan niya sa bilis nang pagtibok nito.
Nang may nahagip ang mga mata niya di kalayuan sa inuupuan niya.
May lalaking nakahiga na parang natutulog.
Napatakip siya ng labi niya, dahil natatakot siya na marinig nito ang malakas na paghinga niya. Pero noong sipatin niya ang lalaki ay familiar 'to.
Bigla siyang napatayo. "Deon."
Wala sa isip na lumapit si Magi. At noong titigan niya 'to ay nakapikit ang mga mata nito, habang taas baba ang paghinga nito.
Na estatwa si Magi. Anong nangyari sa kanya? Sugatan ba siya? Pero wala siyang naaninag na sugat kahit pa kunti lang ang pumapasok na liwanag sa ilalim ng lupa.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...