Chapter 33

23 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas, nakasanayan na ni Magi na silipin ang cabinet pagka gising niya.  Dito kasi niya sinulat ang mga nangyayari sa kanya, dahil natatakot siya na makalimot na naman siya. But she'd noticed na naaalala na niya ang karamihan, even the most nonsense like anong mga pagkain ang dinala ni Melon sa Bersah. She even remembered the place kung saan dating nagtratrabaho daw si Pina at Dayday.

"Cepat." She smiled. Kahit hindi na niya 'to sinulat muli sa loob ng cabinet niya ay natatandaan niya. Kaya kahapon hindi na siya nagsusulat sa cabinet. Feeling niya mukhang tama ang lalaki na nakatagpo niya sa gubat, na matatandaan niya ang mga nangyari sa kasalukuyan.

Nailarawan niya muli ang magandang mukha nito. May ngiti na dumungaw sa pisngi niya. Naisip niya kailan kaya niya 'to muling makikita. Dahil hindi na niya napansin ang mga nilalang na itim simula noong nagkita sila ng lalaki.

Malalim ang paghinga niya. May pagsisisi na hindi niya naitanong ang pangalan nito.

Noong napalingon siya sa may pintuan.

May narinig siyang kumakatok sa labas. Pero bago siya lumabas ay tinali muna niya ang kanyang buhok, at tinali ang ribbon sa puting dress niya na may haba hanggang tuhod.

Pagbukas niya sa pinto ay narito na ang mga babae na tiga-Lansang na naghatid ng mga maluluto niya, at ang tiga-Hiba na naghatid ng mga kailangan niya sa kanyang bahay.

Pinatuloy niya sila at tumulong na siya na ilagay ang mga bago niyang stock na mga pagkain at gamit sa bahay. 

Nagpasalamat si Magi noong nakaalis sila. Alam niya dapat masaya siya ngayon dahil nandito na ang kailangan niya but she still felt something was missing. Feeling niya ang kunti ng mga gamit na meron ang mga taga Buhi Baru. Kahit hindi niya alam kung ano pa ba ang kailangan niya.

Napapagod rin siya. Ang ginagawa niya ay paulit-ulit lang like everyone else.

Lahat dito nagtratrabaho, kahit ang mga bata na pumatong sa edad na walo. Marami sa kanila nasa taniman. Sila na mga Tiga- Sayor. Ang iba naman nasa simabahan na tiga linis. Sila ang tiga- Baikan.

Nalaman din niya ang populasyon ng Buhi Baru ay nasa limampu't walo. Hindi kasama ang mga tiga-labas. Dahil hindi sila nagmamalagi rito sa Buhi Baru. Sila ang Kapan. Pero para kay Magi, sila ang mga nilalang na itim sa kagubatan ng Bersah.

Muli niyang naisip ang lalaki...

Noong may kumatok at tumatawag sa pangalan niya.

This time, nagmamadali na siya patungo sa pintuan.

Pagbukas niya nasa labas na si Nita, at ang babae na nakita niya na kasama nito sa gubat.

"Magandang bati, Miss" si Nita. Nakangiti 'to habang suot ang puting damit na may design na puso sa taas na parte, while sa ibaba ay plain ang skirt nito. "Halika na, umalis na tayo."

Agad humakbang palabas si Magi. Sinulyapan niya ang kasama nito na babae, na nasa late twenties ang edad. Payat 'to at mabilog ang mga mata. Naka puti rin 'to ng damit pero mas simple.

Ngumiti 'to noong napansin niyang nakatitig sa kanya si Magi. "Maligayang bati, Magi."

"Maligayang bati din..."

"Ako si Mana. Tiga- Lumpung," singit ni Mana.

"Anong ginagawa ng isang Lumpung?" usisa ni Magi. And she thought she knew where everyone's place.

"Hindi pa pala bumabalik ang alaala mo..."

"Kasalanan ko 'to," singit ni Nita. Napatitig siya kay Magi. "Dapat pinaalala ko sa'yo, Miss. Na tiga- Lumpung din ako," nakangiti na sabi ni Nita. "Siguro napansin mo na na malapit ako sa pinuno dahil kami ang mga nagtratrabaho para kay Binibining Ina. Kung ano ang iutos niya ay ginagawa namin. At kami din ang nag-aalalay sa mga nakatira rito kung may kailangan sila."

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon