Chapter 54

17 0 0
                                    

Dumating na ang araw ng tig-simba. Ang araw na hinihintay ni Magi, dahil dito i-aanunsiyo ni Binibining Ina ang eksaktong pagdating ng gabi sa Buhi Baru.

At sa gabi na 'yon, umaasa si Magi na magpapakita ang buwan. Ang pinaniniwalaan nilang magbubukas sa labasan patungo sa mundo na pinagmulan niya. Ito na ang pagkakataon ni Magi na sa wakas makaalis siya rito.

Kahapon pa lang ay hindi na siya makatulog. Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng puso niya. Kung pwede lang nga lumanghap muna siya ng sariwang hangin sa labas ng simbahan.

Pero nahihiya siyang gawin 'to dahil sa nakakabingi na katahimikan sa loob.

Kahit si Pina at Dayday, na nakaupo sa magkabilang gilid niya ay tahimik.

Pambihirang araw nga 'to, sa isip niya.

Noong nagsimula ang misa ay iyon pa rin sa nakasanayan nila. May awitin, nagdasal si Binibining Ina nang mas mahaba sa nakasanay (akala ni Magi hindi na'to matatapos), at nagdasal din sila.

Noong lumuhod na sila.

First time, na nakidasal si Magi. 

Tinitigan niya ang namumulang mga mata ni Batigan. Hindi niya alam kilabutan o magagayuma ba siya nito kung titigan niya 'to nang matagal. So she shut her eyes closed.

Pinadaan niya muna ang isang minuto bago siya nagsimulang magdasal.

Batigan, ako si Magi, hindi ako tiga-rito, tiga-labas ako. Hihilingin ko sana sa'yo na sa gabi na darating ay magpapakita sana ang buwan. Ipakita mo rin sana sa akin ang labasan patungo sa amin. Dahil nais ko nang umuwi kahit hindi ko alam kung ano ang naging buhay ko doon.

She paused for a long time.

At sana wala nang ipapatapon sa kagubatan ng Mangin. Sana mas maging mabuti na ang buhay ng mga tiga-rito. Dingin ninyo sana ang dasal ko.

Naramdaman niyang may tumapik sa balikat niya.

Napalingon siya kay Dayday.

"Umupo ka na," bulong nito.

Dito na lang napansin ni Magi, na siya na lang ang nag-iisang nakaluhod sa loob ng simbahan.

Sa katunyan, lahat ng mga mata ay nakamasid sa kanya, kasama na si Binibining Ina na nakaupo sa tabi nina Nita at Mana.

Nagkasalubong ang mga mata nila.

Nasaksihan ni Magi ang pagkinang ng mga mata nito na parang nasisiyahan 'to na nagdadasal siya. Pero sa halip na matuwa si Magi, ay nandriri siya sa kanyang sarili na parang nakuha niya ang pagsang ayon ng isang masamang pinuno at mas malala pa ay nakidasal siya sa kanilang Diyos.

Nahihiya siyang naupo bago umiwas sa titig ni Binibining Ina.

"Nagdasal ka ba o nakatulog?" bulong ni Pina.

"Sssshhh," saway ni Dayday. Bago napanguso sa altar.

Si Binibining Ina ay naglalakad na patungo sa altar. Noong nakarating na'to sa gitna ay inayos nito ang belong puti bago taimtim na hinarap sila.

Tahimik ang loob. Lahat nag-aabang sa sasabihin nito.

"Mga nasasakupan ko, alam na siguro ninyo kung bakit ako magsasalita ngayon. Dahil tatlong araw mula ngayon ay darating ang dilim..."

Sabay na huminga ng malalim ang nakikining sa kanya.

"Mas maaga sa inaasahan natin. Nagbago ang basa ko sa panahon." Natahimik 'to na parang may malalim na iniisip.

Ilang minuto na nakatulala ang lahat. May sasabihin pa ba'to o baba na sa altar?

Pero nagpatuloy siya, "sa gabi na darating ay inaasahan ko na may kasama 'tong malakas na ulan."

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon