For the first time, feeling niya pagod na pagod siya. Dahil 'to rin ang unang araw na nagtrabaho siya. Buong hapon siyang naglinis kahit hindi niya nakita ang sako at kalaykay niya. Gamit ang mahabang sanga na napulot niya, 'to ang ginamit niyang pamalit sa kalaykay niya. At dahil wala siyang sako ay naisipan niyang itambak ang mga layang dahon sa pagitan ng mga ugat ng puno. Since wala naman siyang ibang option.
Pag-uwi ni Magi, agad siyang nagluto. Kanin at sabaw na may isda ang kinain niya. Pagkatapos, naligo na siya at dumiretso sa kwarto niya.
Pagmalapit na siyang matulog, binababa na niya ang kurtina niya dahil hirap pa rin siyang matulog na maliwanag sa labas. She thought maybe this was still a result from her illness. Her body was still adjusting. Kaya hindi niya 'to pinansin.
Napapikit na si Magi. She just wanted to sleep. Dahil alam niya bukas maglilinis naman siya. Naisip niya na dapat huwag niya masyadong bilisan, she had whole day to clean. Bakit parang contest na kailangan niyang magmadali? Kaya tuloy bagsak ang katawan niya ngayon.
"Wala namang nakabantay sa akin... hindi sina Pina at Dayday... hindi rin si Binibining Ina," bulong niya.
May dalawampung minuto na siyang nakapikit.
Noong biglang dumilat ang mga mata niya.
Her room was dark like an empty sky.
Nagusot ang noo ni Magi. Bakit feeling niya familiar ang ganito ka dilim na lugar?
Bumilis ang tibok ng puso niya. Dito na siya napaupo sa kanyang kama. Iniisip kung nagkaroon na ba siya ng experience sa lugar na ganito ka dilim.
Pero sumakit na lang ang ulo niya ay wala siyang matandaan.
Alam ni Magi, matatagalan na siyang makatulog ngayon. Dahil nararamdaman niyang may gumabagabag sa kanya.
Nagtungo siya sa kusina na katabi lang ng kwarto niya, upang uminom ng tubig. Hoping she would feel slightly better. Inubos niya ang isang basong tubig, at tama siya medyo gumaan ang pakiramdam niya but not completely.
"Ano bang nangyayari sa akin?" may concern ang boses niya. "Simula noong nagkasakit ako ay feeling ko may hindi na tama sa akin." Napaupo si Magi habang tinititigan ang makintab na doorknob ng banyo.
Pinalakbay niya ang kanyang mga mata sa hugis ng doorknob. Bilog 'to parang may naalala siya rito lalo na ang kinang nito ay feeling niya familiar sa kanya.
"Saan ko ba 'to nakita?" Habang nag-iisip ay bumaba ang titig niya sa basket na nilalagyan niya ng gamit na mga damit.
Napaigtad si Magi. "Ang itim na tela!"
Muling bumilis ang tibok ng puso niya. Habang palinga-linga sa paligid niya. Hindi binaba ni Magi ang kurtina ng mga bintana kaya pumapasok ang liwanag mula sa labas.
Pero wala siyang nakitang tao na dumadaan.
Dito na kumalma si Magi, habang maingat na tumindig at lumapit sa basket. She took a deep breath. Bago napakumo siya. Nagdadalawang-isip kung kukunin niya ba ang itim na tela.
"Anong gagawin ko rito?"
Muli niyang naisip ang naranasan niya sa kagubatan ng Bersah. May mga nilalang doon na kung gumalaw ay parang hangin sa bilis ni hindi niya sila nakita. She knew they're real--- dahil sa itim na tela na nakuha niya.
Agad napaluhod si Magi sa basket upang dukutin sa bulsa niya ang itim na tela.
Nanginginig ang kamay niya noong hawak-hawak na niya 'to.
Ang itim na tela ay kasing laki lang ng panyo, makapal ang tela at kasing itim ng gabi ang kulay nito.
"Sino kaya sila? Anong ginagawa nila sa gubat? May alam kaya sila Pina at Dayday sa kanila? Bakit hindi nila sinabi sa akin?"
Dito na tumindig si Magi. Muli siyang nagmasid sa paligid niya. She's still alone. Ni wala kang maririnig na ingay sa labas. Pero naging maingat pa rin siya, patago niyang binilog ang itim na tela sa palad niya. Bago tumulak papasok sa kwarto niya.
Tahimik niyang sinara ang pintuan.
Finally, she exhaled.
Feeling niya dito sa madilim na kwarto niya ay safe siya. Pero anong kinakatakutan niya?
Pinakiramdaman niya ang itim na tela sa kamao niya. Nandito pa rin 'to, hawak niya. Mabigat ang paa niya noong napaupo siya sa kama niya. "Anong gagawin ko rito?"
Muli niyang naisip sila Pina at Dayday. "Mukhang wala silang sasabihin sa akin sa mga nilalang sa gubat. Para sa kanila ay hayop 'to. Bakit sila nagsisinungaling sa akin?" Feeling niya may mali. Dahil hindi niya maipaliwanag ang kaba niya ngayon.
Napahiga si Magi. Ilang minuto rin siyang nakatitig sa madilim niyang kwarto. "Kung matagal na ako sa Buhi Baru... diba dapat alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng hawak kong tela?" finally she said. "Dahil pa rin ba 'to sa naging malubha kong sakit na..." She stopped; she couldn't remember the name of her illness. "Ano nga iyon?"
Out of frustation, mabilis na napaupo muli si Magi while she's shaking her head. Baka sakaling babalik ang alaala niya--- pero wala pa rin.
"Parang may mali," she whispered.
Tinaas niya ang kamay niya na may hawak ng itim na tela bago pinatong 'to sa dibdib niya. Hindi nya maipaliwanag pero feeling niya ang tela na hawak niya ay may nababalot na misteryo na kailangan niyang alamin. Dahil baka dito rin niya mahahanap ang kasagutan sa mga tanong niya.
BINABASA MO ANG
Take Me To The Moon (completed)
FantasySimula noong namatay ang mama ni Magi ay lubos na ang naging kalungkutan niya. Kung sana mababago lang niya ang nakaraan. Nang may nakilala siyang isang babae na nagsabi sa kanya na may alam siyang lugar na pwede siyang maghiling upang mabago niya a...