Chapter 69

19 0 0
                                    

Malapit ng kumagat ang umaga. Kaya mo nang ihiwalay ang mga kulay sa kapaligiran, at naririnig mo na rin ang ingay ng mga manok sa kabitbahay.

Pero si Magi, ayaw pa rin niya tigilan ang pagtitig sa bahay niya. Dahil mahirap pa rin sa kanya paniwalaan na'to ang bahay na iniwan niya. It looked so different. She couldn't imagine living on that house. Ang kulay brown na bahay ay kakulay ng pinakamapula na lipstick, ang bubong ay nagsisigaw na orange at ang bintana ay kulay baby pink.

At noon kung pangarap niya magkaroon ng cementadong gate, ay ngayon napalitan 'to ng green na bakal na gate na may mga bulaklak sa gilid.

"Magi," tawag muli ni Han. "Kailangan na natin umalis."

"Anong ginawa niya sa bahay ko? At may kotse na ako ngayon?"

"Sunod mo na 'yan isipin..."Napatingala si Han. "Sumisikat na ang araw. Hindi na ako magtatagal."

"Mauna ka na. Natandaan ko na ang address na binigay mo na uupahan ko. Bisitahin mo na lang ako mamayang gabi."

Hindi gumalaw si Han.

"Sige na..." She pause when he didn't even attempt to move. "Natandaan ko lahat ng mga sanabi mo."

Finally, he gave up. Nagpaalam na siya. At tumalon sa pinakamalapit na kahoy. Bago tumakbo, at naging itim na usok na lang.

Noong nakatiyak na siya na wala na si Han, ay humakbang siya na makikita na siya, sa halip na nasa likod siya ng punong manga.

Ilang minuto pa ay maliwanag na ang buong kapaligiran.

May dumaan ng tricycle sa tapat niya. Pero hindi niya 'to pinansin, nanatiling nakatitig siya sa harap ng bahay niya. Wala na siyang nais kundi ang makita ang katawan niya. Kung ano ang hitsura niya makalipas ang ilang taon na nawala siya. Tumaba o mas pumayat ba siya? Mahaba pa rin ba ang buhok niya o ginupit na ni Iwa-agsi 'to na kasing iklit ng kay Han.

Kinabahan siya na kinailangan niyang mapahawak sa kahoy.

Dahil hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Iwa-agsi sa kanya. Baka naninigarilyo na siya? Umiinom ng nakakalasing? Paano kung may asawa na siya? May anak? O baka naman buntis siya?

"Hindi." She felt like her brain wanted to explode. "Ang sama mo Iwa..." She stopped.

Napansin niya na bumukas ang pintuan sa bahay niya.

Dito na lamang siya muling nagkubli sa likuran ng puno. Tapos sumilip siya.

Sa harap niya, nasaksihan niya ang paglabas ng katawan niya na pag mamay-ari na ni Iwa-agsi. Ang buhok niya hanggang balikat. Mas pumayat at mas namutla siya. Pero ang umagaw sa pansin niya ay ang suot niya. Kulay pink ang dress na hanggang tuhod na may polka dot na puti na parang dadalo siya sa new year's eve party. May malaking ribbon ang belt na kulay white. At naka dark pink na flat shoes siya.

Sa tanang buhay niya, hinding-hindi niya susuotin ang kulay at damit na iyan. 

Pero mabilis niya 'tong nakalimutan. Noong lumingon si Iwa-agsi sa likuran niya na parang may inaabangan 'to.

Hindi na huminga si Magi.

Pero walang lumabas

Bumalik na lang sa loob si Iwa-agsi ay inaabangan pa rin ni Magi na baka muling bumukas ang pinto. At sa pagkakataong 'to may kasama 'to paglabas.

Sa isip niya... baka ang asawa o ang mga anak niya.

Tumunog na lang ang tiyan niya ay hindi pa rin bumukas ang pinto. Kaya wala na siyang choice kundi ang umalis. Dahil kailangan pa niyang isangla ang pulseras at umupa ng bago niyang titirhan. Hindi rin niya nakakalimutan na kailangan niyang maghanap ng trabaho.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon