Chapter 68

15 0 0
                                    

Natanaw ni Magi na tumigil si Han sa may patag sa kagubatan ng Mudah. Lumapit siya rito, noong napansin niya ilang hakbang sa kinatatayuan nila ay doon pinakamaliwanag, na parang iniilawan 'to.

Napatitig siya sa buong kapaligiran.

Familiar 'to.

"Dito ako unang dumating," bulong niya. Bumilog ang mga mata niya. "Ibig sabihin iyan na ang labasan?"

"Magi, handa ka na?"

Kinakabahan si Magi. Hindi niya alam kung dahil excited na siya makauwi o dahil alam niyang iiwan na niya ang Buhi Baru.

"Magi?" Nasaksihan ni Han na malayo ang isipan ni Magi. "Nagbago ba ang isipan mo?" Alam niyang malabo pero malay mo.

Ilang segundo bago sumagot si Magi bago sumeryoso ang ekspresyon niya. "Aalis ako."

Hinimay ni Han. Kung ano ang mas masakit ang sinabi nito o ang determinasyon sa mukha nito na makaalis.

"Han? Akala ko aalis na tayo?"

He smiled, before he nodded.

Masaya ba siya na aalis o makakaalis na ako? Nagusot ang noo ni Magi. She wished he would say something she would want to hear. Bakit ayaw nitong sabihin kung ano talaga ang nararamdaman nito?

She forced a smile. "Mauna ka na at susunod ako."

Mas lalo siyang masasaktan kung pinapatagal pa nila 'to. Kaya naglakad na si Han palayo kay Magi, at patungo sa bahagi na nakatapat ang liwanag ng buwan.

Bago sumunod si Magi, ay tinitigan niya si Han. Ang itim na kapa nito na sumasayaw sa dumadaan na hangin. Sa tingin niya 'to ang mailalarawan niya kay Han kung tuwing maiisip niya 'to sa labas.

May kirot ang huling ngiti ni Magi sa Buhi Baru.

Nakita niya na umapak si Han sa liwanag. Hindi na siya nilingon nito. Bago biglang naging nakakasilaw ang liwanag.

Kaya napapikit si Magi.

Pagdilat niya.

Wala na si Han.

Huminga siya ng malalim. Alam niya na dapat masanay na siya na wala si Han. Ito na ang magiging buhay niya sa labas.

Napailing si Magi. Naiinis siya dahil dapat ang iniisip niya ay ang pag-alis niya--- hindi si Han. Dapat excited na siya ngayon dahil makikita na niya ang pamilya, bahay at maibalik na ang buhay niya.

Nagmadali na siyang magtungo sa liwanag. Pag apak niya ay naramdaman niyang uminit ang katawan niya. Sunod ay umaangat siya lupa, na parang lumilipad. Parang dumadaan siya sa ilalim ng lupa. Pero dito may mga buhay na halaman at hayop. Bago nag-iba ang tanawin. Sumalubong sa kanya ay mga puno na iba't iba ang taas at hugis. Dito niya naisip na nasa  Kagubatan ng Mangin na siya. Walang Kalang at walang Amilag ngayon. Tanging ang kayapaan ang bumalot sa kapaligiran.

Nang biglang lumabo ang paligid. Ang kagubatan ay napalitan ng iba't ibang kulay ng liwanag na parang umiikot sa kanya.

Tapos biglang dumilim.

Feeling niya nahihilo siya kaya napapikit siya.

Parang naglakbay siya sa mahabang panaghinip na wala ng katapusan. Mga bagay na nangyari sa kabataan niya ay nakita niya muli. Ang mga taong nawaksi na sa isipan niya ay muli niyang nakausap. At ang pinakamasasaya na alaala ay lumutang na parang bahaghari. Ninais niya na hindi na'to matapos. Pero kumagat ang dilim, parang rumaragasa na baha kasama ang mga masasakit na mga alaala niya.

Bumigat ang mga mata ni Magi.

Hanggang bumagsak na ang luha niya.

"Magi, gumising ka," si Han na nakaluhod sa tabi ni Magi.

Take Me To The Moon (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon